Followers kinilig sa simpleng convo nina Rabiya at non-showbiz BF na si Neil sa Instagram

Kinilig ang fans nina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ng kanyang non-showbiz sweetheart na si Neil Salvacion sa simpleng convo ng dalawa sa Instagram.

“payat siya eh,” ang simpleng komento ni Rabiya sa picture ni Neil na nakasakay sa unahan ng bangka habang kumakain ng prutas.

“sinegwelas for days,” ang sagot ni Neil sa dalaga na nananatili pa rin sa US dahil sa kanyang mga personal commitment matapos ang 69th Miss Universe pageant noong Mayo 16.

Hindi magkamayaw sa tuwa ang followers ng dalawa lalupa’t naganap ang palitang ito habang maugong ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Nagsimula ang ispekulasyong breakup matapos na mapansin ng ilang netizens na nawala sa Instagram ang  mga larawan nina Neil at Rabiya na magkasama sila.

At ito ay habang nauugnay naman si Rabiya kay Andre Brouillette na dating housemate sa Pinoy Big Brother: Otso. Pinabulaanan ito ni Rabiya at sinabing hindi na siya “available.”

Kaya naman maging ang black and white photo ni Neil habang nakatingin sa kawalan at may caption na “Okay ka lang?” ay binigyang kahulugan ng kanilang fans.

Sina Rabiya Mateo at dating PBB housemate Andre Brouillette. (Instagram/@andrebrouillette)

Pero biglang nabago ang lahat dahil sa isang photo ni Neil na kuha sa Matabungkay, sa Lian, Batangas nitong Huwebes.

Eto ang ilang reaction ng mga followers ni Neil:

“TAENA KINIKILIG AKO MGA 1 MILLION.”

“MADE MY DAY OVERLOAD KILEGG.”

“okay makakapagmodule na ako ulit yeyyyy”

“sa wakas matatahimik na isip namin, we’re so happy that you guys are okay!”

“ayieee ❤️❤️❤️”

Read more...