Seryosong uspain ang panlabas na ganda para sa mga artista. Ngunit para sa actress-singer na si Sue Ramirez, hindi dumating ang pagkakataon kung kailan nadama niyang pangit siya.
“I have a strong support system. Everybody made me feel confident,”sinabi ni Ramirez sa isang virtual event noong Mayo 27 kung saan siya nilunsad bilang celebrity endorser ng gawang-Pilipinong Kawaii whitening soap.
“I know it’s cliche to say, but beauty is in the eye of the beholder. You cannot please everybody,” sinagot ng Kapamilya star nang tanungin ng Bandera kung kailan niya naramdamang hindi siya maganda.
Sinabi ni Ramirez na kailangan lang matutunang tanggapin ang sarili, at mabatid na hindi lahat magugustuhan ang gandang taglay mo.
“Beauty is not a trait, it’s a feeling. It comes from within,” pinaliwanag niya.
Para kay Ramirez, mapalad siyang ni minsan hindi siya nakadama ng anumang pagkukulang sa hitsura niya. Gayunpaman, ibinahagi niya ito para sa mga nahihirapang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili: “You are beautiful. Walang pangit sa mundo. Walang pangit na ginawa ang Diyos.”
Gayunpaman, inamin niyang kailangan pa rin niyang alagaan ang sarili niya at ang kutis niya, sapagkat “my line of work can be so demanding.”
Para kay Ramirez, sapat na ang simpleng pag-aalaga sa sarili na “easier and less demanding. Walang drama-drama.”
Ngunit binalaan niya ang mga Pilipina sa pagsunod sa mga paraan ng pagpapaganda ng mga artista. “We have different skin types, you have to check. Filipino women should have more choices made available for them so they may find what works for them,” ani Ramirez.
Abangan si Ramirez sa “The Broken Marriage Vow,” ang bersyon sa Pilipinas ng patok na British dramang “Doctor Foster,” na ginawa rin sa Korea bilang “The World of the Married.”