Babaeng nambugbog sa traffic enforcer sa Maynila, sangkot sa ilegal na droga

Iniulat ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team o MPD-SMaRT na napag-alamang drug courier ang babaeng nanakit sa isang traffic enforcer sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office, naaresto rin ang mga kasabwat nito sa isang operasyon na naganap sa tapat ng Universidad de Manila.

Naunang nahuli si Pauline Mae Altamirano, 26-anyos na model, matapos bugbugin ang traffic enforcer na si Marcos Anzures sa bahagi ng Malate.

Sinampahan na ng kasong direct assault at driving without license si Altamirano.

Read more...