Staycation sa mga hotel na nasa MGCQ, pinayagan na

Presidential spokesperson Harry Roque explains the hammer-and-dance theory in his televised press briefing. Screenshot from PCOO Facebook video

Pinapayagan nang makapag-operate ng 100 porsyento ang hotels na nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, leisure purposes ang layunin ng pagbubukas ng mga hotel.

Kinakailangan lamang aniya na accredited ng Department of Tourism ang mga hotel at may ‘Certificate of Authority to Operate for Staycation’.

Hindi na rin aniya kailangang sumailalim pa sa RT-PCR test ang mga guest na may edad 18 hanggang 59 anyos.

Samantala, pinapayagan naman ang 30-percent capacity na staycation sa mga hotel na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Read more...