Rabiya sa pagkatalo sa 2020 Miss U: It was heartbreaking…that night wasn’t meant for me

TANGGAP na tanggap na ng Filipina beauty queen na si Rabiya Mateo na hindi talaga para sa kanya ang titulo at korona ng Miss Universe 2020.

Sa pamamagitan ng Instagram, muling naglabas ng kanyang saloobin ang ating Miss Universe Philippines hinggil sa naganap na international beauty pageant last week kung saan itinanghal na winner si Miss Mexico Andrea Meza.

Ipinost ni Rabiya sa IG ang kanyang mga litrato suot ang orange Sarimanok-inspired gown na isusuot sana niya sa evening gown competition sa grand coronation night ng ika-69 edisyon ng Miss Universe na ginanap sa Amerika last Monday.

Sa kanyang caption, siniguro ng  Ilongga beauty queen sa buong universe na okay na okay siya ngayon at wala raw dapat ipag-alala ang madlang pipol.

“I can’t believe it’s been one week already. For those who were asking how am I, you have nothing to worry,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa kanyang IG photos.

Aniya pa, “I’m enjoying my mini vacay here in the US. Just few more days and I’ll be working again.”

Nabanggit din ng dalaga na ang suot niyang evening gown sa litrato ay regalo niya sa Iloilo City kung saan ang ilang disenyo nito ay konektado sa Dinagyang Festival ng kanilang probinsya na ipinagdiriwang tuwing January.

“I was waiting for that moment, I’ve been trying to imagine myself walk in this gown if ever I enter the top 10. It didn’t happen but I am still blessed.

“It was heartbreaking at first but I realize every girl in the competition also made sacrifices and it’s all about destiny. That night wasn’t meant for me,” pagpapakatotoo pang sabi ni Rabiya.

Sey pa ng beauty queen, hindi man siya nagtagumpay na maiuwi ang Miss Universe crown, alam niyang mahal na mahal pa rin siya ng milyun-milyong Pinoy.

“That makes me a winner. Salamat, Pilipinas! Lalaban pa rin tayo sa buhay!” aniya pa. Kasabay nito, pinasalamatan din niya ang kanyang stylists at ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Furne One Amato na siyang gumawa ng kanyang gown para sa Miss Universe.

Sa ngayon, balak ni Rabiya na magpunta muna sa Los Angeles, “to travel alone and explore.” Nauna na rin niyang sinabi na balak niyang mag-try sa showbiz pagbalik niya ng Pilipinas.

Read more...