Alden, Jak, Ken pasok sa Top 20 Most Handsome Faces; Miss Chararat Universe 2021 rarampa na

PASOK ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ilan pang Kapuso stars sa 2021 Most Handsome and Beautiful Faces in Philippine Showbiz ng PH Choice Awards.

Bukod sa Pambansang Bae, pasok din sina Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Kelvin Miranda, Khalil Ramos, Mavy Legaspi, Allen Ansay, Will Ashley at Ken Chan sa Top 20 Most Handsome Faces na kinahuhumalingan ng fans at Filipino audience.

Samantala, parte naman ng Top 20 Most Beautiful Faces ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Cassy Legaspi, Sofia Pablo, at Julie Anne San Jose.

Makikita ang buong listahan sa Facebook page ng PH Choice Awards.

* * *

Rarampa si Miss Manila Alexandra Abdon, Kitkat at mga members ng The Mema Squad sa pinakabago at pinaka-riot na beauty pageant sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) na mapapanood na tonight sa GMA 7.

Kasunod ng pagtatapos ng prestihiyoso at kontrobersyal na Miss Universe 2020 kung saan nanalo si Miss Mexico Andrea Meza, isang nakakalokang beauty pageant ang magsisimula at tiyak na maghahatid ng kulit at katatawanan sa inyong Sunday night.

Sina Boobay at Tekla ang magho-host ng Miss Chararat Universe kung saan limang contestants ang rarampa at magpapatalbugan: si Alexandra bilang Miss Philippines, Kitkat bilang Miss South Africa, Pepita Curtis bilang Miss Japan, Ian Red bilang Miss Venezuela at Skelly Clarkson bilang Miss Brazil.

Sasabak sa apat na rounds ang aspiring chararat beauty queens — yan ang National Costume, Evening Gown, Question and Answer, at Swimsuit competition na eksklusibong mapapanood sa YouLol Facebook page at YouTube channel.

Magiging judge naman sina Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez at Voltes V cast member, Radson Flores.

Sino kaya ang hahakot ng special awards? At sino ang tatanghaling kauna-unahang Miss Chararat Universe?

Tuluy-tuloy pa rin ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, May 23, pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Read more...