Jinkee sa chikang pera lang ang habol kay Pacquiao: Maraming beses din kaming nangutang

“PINEPERAHAN ko lang daw si Manny (Pacquiao), pera lang daw ang habol ko sa kanya.” Ito raw ang isa sa mga “fake news” na kumalat noon na hinding-hindi makakalimutan ni Jinkee Pacquiao.

Ayon sa misis ng Pambansang Kamao, noong nagkamal na ng yaman ang senador dahil sa pagboboksing, maraming nagpakalat ng tsismis na mukha raw siyang pera at kinukwartahan lang si Pacman.

Sumabak si Jinkee sa “Pinaka” challenge na mapapanood sa vlog  ng celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo. Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang tsismis o intriga na pinakakinainisan niya.

“Before, nu’ng bago palang kami ni Manny, parang pineperahan dahil nagkapera na ganu’n.

“Parang pera lang ang habol dahil nag-champion sa boxing. Nu’ng naging mag-asawa nga kami ni Manny, natalo siya nu’ng after kami ikinasal,” tugon ng asawa ni Sen. Manny.

Ipinagdiinan pa ni Jinkee na simula pa lang ng pagsasama nila ni Pacquiao ay sinuportahan na niya ito at never siyang nagduda sa pagmamahal sa kanyang pagmamahal sa boxing champ.

“Nag-asawa na kasi natalo na ganyan, ganyan. Tapos nu’ng may income na, lagi na nananalo after kami kinasal, ‘di ba? Parang ‘yan na naman, pera lang ang habol,” pahayag pa niya.

Inamin din ni Jinkee na talagang nangungutang pa sila noon ni Manny para lang makapag-training ang senador kapag may nakatakda itong laban.

“Marami kaming experience na mangungutang lang para lang makapag-ensayo siya sa Davao o Manila. Kailangan may pocket money.

“Alam ‘yan ng mga ninang namin kasi ginigising namin sila ng maaga. ‘Ninang, help me, help us,’” kuwento pa niya.

Kasunod nito, sinabi rin ni Jinkee na kahit napakahirap ng buhay nila noon ay never niyang pinagdudahan ang pagmamahal niya kay Manny at kung kaya siya nitong buhayin o hindi.

“Never kong iniiisip sa kanya na, ‘Mabubuhay kaya ako nito?’ Parang hindi ako nag-isip ng ganu’n sa kanya,” aniya.

“Nag-work pa nga ako nu’ng before pa kami mag-asawa pero siyempre nanganak ako agad, ‘di ba? Meron akong isang taon akong nanganak. Kay Jimuel at kay Michael,” dagdag pa niyang chika.

At kahit daw sa panaginip ay hindi inakala ni Jinkee na mabibiyayaan sila ni Pacman ng bonggang-bonggang buhay. Sobra-sobra pa raw sa inasahan niya ang blessings na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Bukos dito, biniyayaan pa raw sila ng limang mababait na anak — sina Michael, Jimuel, Mary, Israel at Queenie.

“‘Di ba hindi mo naman hawak ang future? Kumbaga, God holds the future. Hindi mo naman alam kung ano ang future mo rito.

“Basta nagmahal ka lang, magkasama kayo, may mga ups and downs. Pero hindi mo alam kung ano ang mangyayari in the future,” aniya pa.

Read more...