Maymay kay Edward: Masaya ang puso ko, nahanap ko ‘yung saya na gusto ko…

DIRETSAHANG inamin ni Maymay Entraya sa harap ng kanyang ka-loveteam at kaibigan na si Edward Barber na may nagpapasaya na sa kanyang puso ngayon.

Hindi pinangalanan ng Kapamilya young actress kung sino ang kanyang tinutukoy ngunit aniya, dumating ang taong ito noong panahong kailangang-kailangan niya ng karamay at kakampi.

Sa finale episode ng digital show ni Edward na “Kwentong Barber,” matapang na tinanong ng binata kung kumusta na ang estado ng puso ni Maymay.

Nagpakatotoo naman ang young actress at inaming hindi pa talaga siya totally nakakarekober mula sa pinagdaanang pagsubok sa personal niyang buhau ngunit sinabi niyang happy nga ang lagay ng kanyang puso sa ngayon.

“Yung heart ko at the moment, kahit siguro nasa process ako na hindi ako okay, kahit nasa process ako na naghi-heal palang ako doon sa past ko, isa sa pinakamasaya ako at pinasasalamatan ko, masaya ang puso ko,” pahayag ni Maymay.

Ayon naman kay Edward, masaya siya dahil sa kaligayanang nararamdaman ngayon ni Maymay, “I’m happy with that. As long as you have joy and happiness, that’s something that we can all indulge on.”

Aniya pa, “Whatever Maymay chooses, whatever I choose, that will be joyful and happy. Kung ano ‘yung magiging desisyon ni May, that’s what we choose. ‘Yun na ‘yun.”

Samantala, natanong din ni Edward si Maymay kung may chance pa kaya silang dalawa in the future. Hindi ito diretsong sinagot ng dalaga pero aniya, ayaw niyang magpaasa ng tao at mahirap na rin daw ibalik kapag nasira na ang tiwala.

“Sige magpakatotoo na tayo. Kagaya ng sinabi mo kanina ‘yung mga pagkakamaling nagawa. Ang pinakamahirap kasi sa akin kapag nasira na ‘yung tiwala, ang hirap mabalik,” sabi ni Maymay.

“Ayoko rin magpaasa lalo na’t sa ngayon nahanap ko ‘yung saya na gusto ko. At nahanap ko ‘yung saya na ‘yun nu’ng panahon na walang kahit sinong tumulong o nandyan para sa akin,” dagdag pa niyang paliwanag.

Last year, isang joint statement ang inilabas ng MayWard para ipaalam sa madlang pipol ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Anila, mas pagtutuunan muna nila ng pansin ang kanilang mga career ngunit mananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

“Pareho po namin na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us. Mas kumportable kami makakapagtrabaho.

“Wala pong pagbabago. Kami pa din ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with than each other,” ang bahagi ng pahayag ng MayWard.

Read more...