Showbiz hugot ni Janine: Very harsh ang rejection sa industriyang ito

SA virtual thanksgiving mediacon ng “Dito at Doon” ay nabanggit ng lead actress na si Janine Gutierrez na marami pa siyang gustong gampanan sa pelikula o TV series at lahat ito ay ini-entertain niya.

“I welcome more challenging roles. I feel like every role is challenging, eh. Parang kumbaga iba-ibang challenge lang yan, eh.

“Hindi ko rin mako-compare kung anong mas mahirap na character, parang iba-iba siyang klaseng challenge, eh. The challenge is kung paano mo siya gagawing totoo.

“Pero ever since naman nu’ng ginawa ko ‘yung ‘Elise’, parang ‘yun talaga ‘yung film na naisip ko na gustung-gusto ko ‘yung kuwento.
“And parang ‘yung feeling ko talaga makakarating sa manonood ‘yung gusto naming sabihin at gusto naming gawin. So ‘yun lang talaga ‘yung goal ko,” esplika ng aktres.

Paano nga ba namimili ng proyekto si Janine? “I would say it depends sa script pero ito (Dito at Doon) tinanggap ko kahit hindi ko pa nababasa ‘yung script. Ha-hahaha!

“So usually script talaga ‘yung basehan ko and kung sino ‘yung makakatrabaho ko dito, ‘yung director, ‘yung mga magiging partner ko. ‘Yun talaga yung basehan, kung gusto ko ‘yung kuwento at sa tingin ko maganda siya.

“Kasi nu’ng in-offer sa akin ito ang text sa akin ay may film inquiry daw from TBA tapos direk JP Habac and JC Santos daw yung kasama. Sabi ko yes please,” tumawang kuwento pa ni Janine.

At dahil extended ang “Dito at Doon” sa KTX.ph, Cinema ‘76 @Home, Ticket2Me, Upstream at iWantTFC ay umaasa si Janine na sana’y may rerun ito sa mga sinehan pag natapos na ang COVID-19 pandemic.

“I’m so happy. Sobrang thankful and happy na naisip ako nila direk JP. Sobrang happy talaga ako na nagawa ko ‘yung Dito at Doon.

“Pero iba pa nga pa rin ‘yung sa sinehan and it’s also another experience. I mean it’s also an interesting experience to watch at home, di ba?
“Parang bagong experience din siya na kailangan mong masubukan. But gusto ko rin sana ma-achieve ‘yung mga na-a-achieve ni JC sa mga pelikula niya,” katwiran ng dalaga.

Ano ang pinaka-challenging role para sa kanya? “Kung physical, prosthetics. Diyos ko ang hirap, four hours kaming nagkakabit ng prosthetics.

“Aside from that ‘yung medyo mas malalim na sagot would be rejection. Very harsh ang rejection sa industriyang ito and ‘yung wala kang magagawa, wala kang control kasi siyempre bilang artista nag-o-audition ka.

“And of course ang pipili ‘yung mga producer, so there’s also a certain sense of sila talaga yung mga hawak nu’ng career mo at nu’ng opportunities at kinabukasan mo so that would have to be the hardest part,” sambit nito.

Read more...