Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma

“ALWAYS wear my Daddy’s wedding ring. Swipe left to see my Mommy’s name engraved inside it. Makes me feel like my Dad and Mom are always with me somehow.”

Ito ang caption ni Megastar Sharon Cuneta sa ipinost niyang litrato ng wedding ring ng tatay niyang si late ex-Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

May netizen na nagtanong kung nasaan naman ang wedding ring nila ng ex-husband niyang si Gabby Concepcion na ilang beses na ring  naitanong sa aktres.

“I gave my wedding ring to KC many years ago,” sagot ng mommy ni KC Concepcion.

Samantala, ini-enjoy talaga ni Sharon ang bakasyon niya sa Los Angeles dahil kasama niya ang kaibigan niyang Lorraine kung saan may kuha silang magkasama.

Nakatawag-pansin din ang suot niyang black hoodie kung saan itinuro pa niya ang nakalagay na, “I feel like Pablo.”

At ang caption ni Sharon sa larawan niyang ito, “I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta. Oh Daddy. I miss you so much. Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!”

Samantala, palaisipan sa ilang netizens kung bakit ipinost ni Sharon sa Instagram ang mga larawan nila ng ex-boyfriend niyang si Ormoc City Mayor Richard Gomez na kuha sa concert niya noong 2018, nagre-reminisce ba si Mega?

Ang caption ni Sharon dito, “September 2018, The Araneta Coliseum. We may never do another movie together again. But Mayor Richard ‘Goma’ Gomez will always be a very important part of my movie career and my personal life. 32 years. Thank you for all the reel and real memories. We had a great run.”

Maging si Aga Muhlach ay kasama rin sa reminiscing moments ni Sharon dahil ipinost din niya ang mga larawan nila ng aktor na kuha sa pelikula nilang “Kung Ako Na Lang Sana” noong 2003.

Ang caption ng aktres, “Always one of my best friends & one of my favorite leading men for 18 years now. Sumbungan ko pa rin!

“Thank you, Teng, for praying and being there for me, always making me laugh kahit di tayo nagkikita or nakakapag-usap ng madalas! Ikaw lang pa rin ang puede tumawag sakin ng ‘gaga!’ Hahahaha! Tara! Game na! @agamuhlach317.”

Ang tanong, anu-ano raw ba ang mga isinusumbong ni Sharon kay Aga na hindi niya masabi sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan?

Read more...