Bentang-benta kasi ngayon ang dalawang Kapamilya stars dahil sa bonggang chemistry nila sa kilig seryeng “He’s Into Her” na very soon ay mapapanood na sa free TV at iba pang platforms ng ABS-CBN.
Sa naganap na virtual press conference para sa nasabing romcom series, kakaibang saya at kilig ang nararamdaman ni Donny kapag nakakarinig at nakakabasa siya ng mga positive comments tungkol sa loveteam nila ni Belle.
“That’s a good sign. It means that it works. Hindi lang kami actually, but when they see all the love teams,” ani Donny.
Tungkol naman sa estado ng kanilang relationship lalo na kapag magkasama sila sa taping, “Hindi na mawawala ‘yung friendship na nabuo rito. Pamilya na talaga.
“When you’re spending so much time together, when you’re locked in, it becomes less like work. Parang kasama mo lang pamilya mo. We all enjoyed. We really got close. I would say it’s very genuine,” lahad ni Donny.
Sey naman ni Belle, “Compared po sa first time na nag-shoot kami, there’s still awkwardness not just with Donny and I but with the whole cast. But after being with them after quite a time, naging close kami and feeling ko nag-grow ‘yung friendship ng lahat.”
Umaasa naman si Donny na kahit paano’y makakatulong ang kanilang serye para makalimutan sandali ng mga manonood ang mga problema lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Ang dami na nangyayari sa mundo ngayon. This can be their escape for a while for everything that’s happening,” sabi ng binata.
Kaya naman tutukan na ang pagsisimula ng “He’s Into Her” ngayong May 30, Sunday, at 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, at TFC.
Ka-join din dito sina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo, Vivoree, Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Joao Constancia, Criza Taa, Dalia Varde, Limer Veloso, Melizza Jimenez, Ashley del Mundo, Gello Marquez, at Sophie Reyes.
Sa direksyon ni Chad Vidanes, ang “He’s Into Her” ay base sa mga libro ni Maxine Lat at mapapanood ang 10 episodes nito hanggang July.