Talagang ibubuhos daw ng Kapuso actress-singer ang kanyang panahon at atensyon sa future husband niyang si David Rainey at sa magiging mga anak nila in the future.
Ayon kay Glaiza, napakaraming nabago sa mga pananaw niya sa buhay mula noong ma-engage siya sa kanyang Irish boyfriend. At inamin niyang looking forward na siyang maging mommy.
“Tinanggap ko na ‘yun na talagang magbabago drastically (ang buhay ko) pero hindi lang naman ‘yung career ‘yung reality ko.
“May other side of life na hindi ko pa napupuntahan and I’m excited to be in that side and to be in that world na magiging nanay ka,” pahayag ni Glaiza sa isang podcast.
“Dati hindi ko pa masabi kasi hindi ko pa nararamdaman pero since nga noong na-engage ako, siguro parang nasa age na rin na ako, as a woman, fulfillment, ‘di ba, ng isang babae na magkaanak.
“‘Di naman tayo pare-pareho pero para sa akin, isa ‘yun sa mga pangarap ko na magkaroon ako ng anak, na aalagaan ko siya and, of course, I have to step out of the limelight.
“I have to leave my work bilang actress kasi hindi naman yun ang identity ko. Di naman ako si Glaiza na actress, ‘yun ‘yung work ko, oo, pero ‘di ‘yun ‘yung nagde-define sa akin bilang tao,” lahad pa niya.
Naging malaking bahagi raw si David sa paghahanap niya sa tunay niyang identity, “May isang beses kasi nag-usap kami ni David na parang may book siya na binasa nooolng time na ‘yun, minimalism book, nasa Netflix din ‘tong show na ‘to.
“May isang topic doon na ‘what defines you?’ Kasi kapag sinabi sa ‘yo ‘to or ‘what do you do?’, ang instant na sagot mo I’m an actress.
“Parang ‘di mo sinasabi na what do you do in life. Like, ‘I’m a mother, I’m taking care of the sheep, farmer ako,’ mga ganyan. Hindi typical na answer is work mo talaga pero kung ano ‘yung ginagawa mo outside of your work.
“Kumbaga, pinag-usapan lang namin pero ‘di ko pa siya naiintindihan until no’ng nag-pandemic na noong tinanggalan ako ng work.
“Kumbaga, iba na ‘yung setup namin pagdating sa trabaho. Wala na ‘yung studio, wala na ‘yung every other day na taping, wala na ‘yung mga mall shows, wala na ‘yung mga gigs, ‘yung mga ginagawa mo bilang artista, ‘yung mga premiere nights.
“So ano ka na ngayon? Kung wala na ‘yun lahat, sino ka na? Kung tapos na ‘yung kontrata mo, ano na ang gagawin mo? ‘Di ka na pwedeng maging artista.
“Doon ko na-realize na there is another side to who I am na ‘yun ‘yung i-e-embrace ko at i-e-enjoy ko dahil mas nagkaroon ako ng time para mas ma-explore ‘yun,” mahabang paliwanag ng aktres na malapit na uling mapanood sa upcoming Kapuso series na “Nagbabagang Luha” with Rayver Cruz.