Edward kay Maymay: From the bottom of my heart, I’m really sorry…

NAGPALITAN ng “sorry” ang magka-loveteam na sina Edward Barber at Maymay Entrata sa lahat ng mga bagay na nakaapekto sa kanilang relasyon bilang espesyal na magkaibigan.

Naging emosyonal ang dalawang Kapamilya youngstars nang magbigay ng mensahe para sa isa’t isa sa finale episode ng digital show ni Edward na “Kwentong Barber”.

Bago matapos ang nasabing online show, natanong ni Edward si Maymay tungkol sa ilang intriga at tsismis about him na kumalat noong 2020 na aniya’y wala namang katotohanan. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit maraming fans ang na-turn off sa binata.

“I never asked you. I never got to talk to you about it. A lot of things that were not true were said. I never got to clear up everything with you,” ani Edward kay Maymay.

Sagot ng aktres, alam niya kung paano lumaban ang kanyang ka-loveteam sa lahat ng mga issue na ibinabato sa binata. Nagtulungan naman daw sila para pigilan ang paglala ng mga isyu.

“Pero yun nga kahit anong gawin, kahit anong sabi natin, may iba talagang hindi tumitigil,” ani Maymay na umaming hindi talaga niya kinausap si Edward nang makarating sa kanya ang tsismis na hindi na nila binanggit pa.

“Ang importante ay kaming mga naniniwala sa ‘yo at kilala ka, importante na enough na yung alam namin yung totoo. Hindi mo na kailangan gawin pa ang mga bagay na makapagpapasaya sa ibang tao para sa approval nila,” mensahe ni Maymay sa binata.

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Gusto ko ring humingi ng pasensya sa ‘yo kung hindi enough yun bilang isang kaibigan, paano kita poprotektahan. Kasi nu’ng time na yun may hindi tayo pagkakaintindihan. Tapos nangyari sa ‘yo yun. Sorry kung wala ako roon.”

Sagot naman ni Edward sa kanya, “You did nothing wrong. You did everything right. Even when we worked together du’n sa movie, you had my back. You supported me. And thank you for that. Hindi mo alam yung weight na na-lift sa chest ko after hearing those words.”

Pahabol pa ng binata, “I’ve made my own mistakes, realizing stuff through failure. It’s one of the reasons why until now there are certain things I have struggles forgiving myself for.
“One of them is putting you in a situation where you got hurt or other people got hurt.

“From the bottom of my heart, I’m really sorry that I allowed you to put in situation like that or you had to go through that,” ani Edward.

Proud naman si Maymay sa lahat ng magandang pagbabago sa buhay ni Edward lalo na ang pagiging mas malapit nito ngayon sa Diyos, “Gaya ko, na-rescue ka rin ng Panginoon.”

Read more...