TODO tanggol na naman si Luis Manzano sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado laban sa mga taong patuloy na nanlalait sa aktres, lalo na sa mga social networking sites.
May mga detractors kasi si Jennylyn na nagsasabing hindi raw totoong tanggap siya ng nanay ni Luis na si Gov. Vilma Santos, na kesyo mukha itong pera at walang kuwentang ina.
Para kay Luis, puro paninira lamang daw ito mula sa mga taong walang ginawa sa buhay kundi ang manira ng kapwa. Naaawa nga raw ang TV host-actor sa kanyang girlfriend dahil talagang lagi itong pinuputakti ng mga intriga.
Ayon kay Luis, alam niyang walang problema sa pagitan ng mommy niya at kay Jennylyn, “In fact, magka-text sila. Si Mommy, nagre-request pa ng cakes kay Jen,” pahayag ni Luis sa isang interview.
Hirit pa ni Luis, gustung-gusto ni Ate Vi ang dyowa niya at sa katunayan, nag-uusap ang dalawa nang hindi niya alam, meron na raw ganu’n klaseng relasyon ang dalawang mahahalagang babae sa buhay niya.
Tungkol naman sa akusasyon kay Jen na mukha siyang pera dahil ayaw nga niyang ipakita ang anak na si Alex Jazz sa ama nitong si Patrick Garcia dahil hindi naman daw ito nagbibigay ng sustento sa bata, natawa lang si Luis.
“I know Jen, I know how much money she makes kahit paano. I don’t know the exact figures, but I know she’s very blessed, and Jen is not the type na isip-pera. That’s as far as I can go.
“Grabe yung sa pera… alam ko she’s very smart with her finances, di siya mukhang pera at all,” sey nito. Para kay Luis, isang mabuti at responsableng ina si Jennylyn, pero aniya, kapag tungkol na sa pera ang issue, hangga’t maaari ay ayaw na niyang makialam.
“Sabi ko nga, anything pertaining to that, I’ll leave it…to that aspect, to the family, na respeto ko ‘yon sa kanya, her family, kahit kay Pat (Patrick) rin.
Siyempre, na I can’t meddle with anything about the issue dahil sa kanila ‘yon and I respect that,” paliwanag ng aktor.
Tungkol naman sa kasal, “I still have so much things to do, and I believe Jen has so much more that she has to do.
Let’s not forget that Jen has a son, and anything that Jen does, it’s for her family.” “Nothing concrete, not even talk, so walang-wala pa talaga.
Napapangunahan lang ng ibang tao na ikinasal na daw kami sa Batangas o nag-inquire yata; na ikinasal kami sa Middle East nu’ng nagbakasyon kami.
“At the same time, meron na rin na naghiwalay kami… so ang daming issues. Pero sabi ko nga, for Jen, and which I will always respect, her main focus is to raise Jazz,” natatawang chika pa ni Luis.
Samantala, si Luis ang Cover boy ngayong September issue ng FHM (back cover). Double cover sila ni Rufa Mae Quinto na muling nagpaseksi sa nasabing men’s magazine.
“When you think about FHM, you automatically think about sexy cover girls, two-piece bikinis, sexy bodies. Pero for a guy to be part of an issue na cover din, para sa akin, it’s very big of a deal,” sey pa ni Luis.
Sa nasabing FHM issue, muling ibinuyangyang ni Rufa Mae ang kanyang kaseksihan. Makikita sa cover ang halos kabuuan na ng kanyang boobs!
( Photo credit to Google )