KC na-touch sa ‘housewarming gift’ ni Sarah: Ang babaw ng kaligayahan ko!

KILIG na kilig ang actress-TV host na si KC Concepcion nang maalala siyang regaluhan ni Sarah Geronimo ilang araw matapos siyang lumipat sa bago niyang bahay.

Tuwang-tuwa ang aktres at jewelry designer nang matanggap ang ipinadalang housewarming gift ng Popstar Royalty paracsa kanya.

Sa kanyang Instagram account, excited na ibinahagi ni KC ang litrato ng mga “freshly baked” strawberry shortcake cupcakes na ginawa mismo ng misis ni Matteo Guidicelli.

“Are you drooling yet? Got the sweetest housewarming gift, freshly baked by our girl @justsarahgph!!! How gorgeous are these strawberry shortcake cupcakes??? I mean SRSLY,” ang isinulat ni KC sa caption.

Dagdag pa niya, “Ang babaw ng kaligayahan ko. Nakaka-touch talaga yung mga thoughtful gestures na ganito.”

Ayon pa sa panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta na itinuturing ding nanay-nanayan ni Sarah, ang Popstar Royalty at ang mister nitong si Matteo ang isa sa mga dahilan kung bakit iniwan na niya ang buhay-condo at tumira sa “tunay” na bahay.

“I love you, Sars, and I miss you kahit hindi tayo everyday nag-uusap or nagkikita. Know na ikaw ‘yung dahilan bakit ako lumipat dito. Alam mo ‘yan.

“Pero I love you and kita tayo soon. Biking biking, jogging jogging, walking walking, at kung anu ano pa. (Matteo), hi! I’ll see you guys soon. Thank you again,” pahayag pa ni KC.

Ilang linggo pa lang ang nakararaan, niregaluhan din ni Sarah si Mega ng bineyk niyang Cereal Milk Tres Leches Cake kaya naman tuwang-tuwa rin ang veteran actress-singer.

Kung matatandaan, nito lamang unang linggo ng buwan ibinandera ni KC sa publiko ang plano niyang lumipat na ng tirahan makalipas ang ilang taon sa kanyang condo.

Suportado naman ng kanyang parents na sina Shawie at Gabby Concepcion ang kanyang desisyon kasabay ng pagbati sa bagong yugto ng kanyang independent life bilang single woman.

Read more...