Kim may nakakalokang hugot sa pagkatalo ni Rabiya sa Miss U

KATUWA ang reaction ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu who obviously watched the 2021 Miss Universe pageant.

Nabigo ang ating representative ng Pilipinas na si Rabiya Mateo na pumasok lang sa Top 21. Ang Miss Mexico na si Andrea Meza ang nanalong Miss Universe 2021.

Sa Twitter, ibinuhos ni Kim ang kanyang nakakaaliw na reaction, “Anu daw nangyari? Paano naging ganun??? Please enlighten me.

“Hindi Brazil? Not Peru? Not India? No Thailand? No South Africa? At higit sa lahat walang Philippines?!!!! ano daw???” sabi pa ni Kim.

“Sorry late reaction!! Reh for asap today! Pag balik ko sa phone. OMG! Ang bilis ng ganap mga besh! Face screaming in fear but still proud of Ms Philippines Rabiya!

“Nu’ng nag win ang Mexico and nakita ko judge and yung host and flow ng event latin. Parang…yeah!! Hahhaa CHAROT LANG!!

“Eme lang!!!! Katuwaan lang mga beshie para gumaan ang loob natin!!! Hehehe! Ang aga natin nagising! Palakpakan!!!!!

“But no matter what happened today, We love you Ms Philippines!!! Congratulations Rabiya!!!! Congrats also to Miss Mexico!!!” dagdag pang pahayag ng actress and TV host.

Aliw na aliw ang fans sa reaction na iyon ni Kim.

Read more...