BOSSING bagong kakampi ng mga bading at tomboy


NAGKAHIWALAY na pala sina Aiza Seguerra at girlfriend nitong singer na si Krizza Neri. Kinumpirma ito ng dating child star kay Kris Aquino nang magchikahan sila sa pictorial ng MMFF entry na “My Little Bossings”.

Ipinalabas ang ilang kaganapan sa nasabing pictorial sa Kris TV kahapon kung saan nga nakipag-bonding sina Kris, Aiza sa mga bida ng pelikula na sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Bimby.

Tinukso kasi ni Kris si Aiza na may bago na namang inspirasyon ang singer, at bakit daw ang bilis-bilis nitong makakuha ng kapalit sa mga umaalis na girlfriend niya.

Sey ni Aiza, “Hindi naman ganu’n ‘yun, grabe naman! Pero yes, may bago na,” pero hindi na niya idinetalye ang identity ng ipinalit niya kay Krizza.

Hindi rin maipaliwanag ni Aiza kung bakit madali siyang nakakakuha ng bagong mamahalin, biro nga ni Kris, “Malakas siguro talaga ang sex appeal mo, di ba?” na ikinahagalpak  ni Aiza.

Samantala, tiyak daw na mas rerespetuhin at mas igagalang ng mga Pinoy ang mga bading at tomboy sa Pilipinas once na mapanood ng mga ito ang “My Little Bossings”.

Anak ni Bossing si Aiza sa nasabing movie at tomboy din ang role niya rito na nagkaanak na gagampanan naman ni Ryzza Mae. Mag-ina rin sa kuwento sina Kris at Bimby.

“Kasi di ba, tinitingala, nirerespeto si Bossing Vic ng mga Pilipino, at bilang tatay ko nga siya rito, ipakikita ‘yung magiging pagtanggap niya sa pagkatao ko, dahil mahal na mahal niya ako bilang anak.

So kahit ano pa ko, tinanggap niya ako ng buong-buo,” chika ni Aiza.

( Photo credit to Google )

Read more...