Feeling ng beauty queen-actress kailangan niyang ipagtanggol agad ang sarili pati na ang Pilipinas bago pa mauwi sa mas matinding issue ang lahat.
Sa kanyang post sa Twitter, ipinahayag ni Pia ang pagkabigla nang malamang mas marami palang pageant fans sa Vietnam kesa rito sa Pilipinas.
Ito’y matapos ngang bumandera na ang kandidata ng Vietnam sa katatapos lang ng 69th edition ng Miss Universe na si Khan Van Nguyen Tran ang nasa Top 21 spot matapos makakuha ng highest fan votes online.
“Mas maraming pageant fans sa Vietnam kesa sa Pilipinas?” ang maikling tweet ni Pia na balitang naka-offend umano sa mga Vietnamese na talagang tumutok din sa Miss Universe kahapon.
Ang pakiramdam kasi nila ay may duda si Pia sa naging resulta ng online voting kaya naman binatikos nila ang Pinay beauty queen at TV host.
“I used to like Pia very much, but not anymore. I’m Vietnamese, the words u said about Vietnam caused controversy and many bad words about our Miss Khanh Van. Our country has unity, and most of all, we support Khanh Van wholeheartedly in material and spiritual ways,” ang pahayag ng isang fan ni Miss Vietnam.
Comment pa ng isang netizen, “How would you feel if you got the highest votes but people doubted you? We are not as big as you but we give our representatives more than our verbal supporters.
“If you doubt the results of the vote, the crown you have is also questionable! Your attitude never changes,” sabi pa nito.
Ngayong araw, naglabas ng paglilinaw si Pia tungkol sa issue at ipinagdiinan na wala siyang intensyong manakit o mang-insulto lalo na ang maliitin ang kakayahan ni Miss Vietnam.
“Woah! Woke up to so many angry fans from Vietnam! I think some of you misunderstood my tweet last night!
“For years I was told (and I believed) that the Philippines had the most pageant fans in the world. But yesterday Vietnam got the highest votes in history!
“Which meant I was wrong. Which surprised me! That’s it! That’s all I meant by my tweet!” bahagi ng kanyang paliwanag.
Dagdag pa niya, “I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all! Hope this clears it up. Congratulations Vietnam for the highest votes in the Miss Universe history!”
Parehong pumasok sa Top 21 sina Miss Vietnam Khan Van at Miss Philippines Rabiya Mateo ngunit laglag na sa Top 10.
Si Miss Mexico Andrea Meza ang itinanghal na Miss Universe 2020. Nakalaban niya sa finals sina Julia Gama ng Brazil, Janick Maceta ng Peru, Adline Castelino ng India, at Kimberly Jiménez ng Dominican Republic.