Maraming natawa at nasuka: WALLY, EB BABE YOSH bumida sa bagong SEX VIDEO


Hindi namin alam kung matatawa o maaawa o maiinis kami sa napanood naming sex video diumano ni Wally Bayola at ng isa sa member ng EB Babes na si Yosh.

Kalat na kalat na sa mga social networking sites ang nasabing video scandal na diumano’y pinagbibidahan nga ng dalawang mainstay ng Eat Bulaga. At grabe ang mga nabasa naming reaksyon ng mga taong nakapanood na nito.

Sabi ng isa, tanggalin daw agad ang dalawa sa Eat Bulaga kung totoong sila ang nasa video, bad influence raw sila sa publiko.
Mapapanood sa  video ang isang babaeng hubo’t hubad na nakahiga sa isang comforter  kasama ang isang kalbong lalaki na ayuda nang ayuda na parang hinete.

Malinaw ang mga eksena dahil nakabukas ang ilaw sa kwarto, at kung sisipatin mo ngang mabuti ay kamukhang-kamukha ni Wally ang lalaking bida sa palabas, pero ‘yung babae ay hindi namin mamukhaan dahil hindi talaga kami masyadong pamilyar sa mga members ng EB Babe.

Pero ang nakakaloka ay ang huling eksena sa sex video kung saan ibinuyangyang nang bonggang-bongga ng nasabing EB Babe ang kanyang kaselanan sa harap ng camera.

May asawa at limang anak na si Wally kaya ano kaya ang naging reaksiyon ng mga ito sa nasabing sex video? Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming natatanggap na pahayag mula sa mga taong sangkot sa iskandalo, o kung sila ba talaga ang nasa video.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag nina Wally at ni EB Babe Yosh. Wala rin si Wally kahapon sa Eat Bulaga.

( Photo credit to Google )

Read more...