KRIS BERNAL handa na sa pang-aalipusta at pang-aapi ng fans nina ALJUR at KYLIE


Handa na sa panibagong bashing ng ibang fans si Kris Bernal. Dumalaw kami sa pictorial ng pinakabagong early primetime show ng GMA na Prinsesa Ng Buhay Ko, dating Prinsesa Ng Masa, starring the love team of Kris and Aljur Abrenica together with LJ Reyes, new Kapuso boy Renz Fernandez na anak ni Ms. Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez, Emilio Garcia, Carmi Martin, Maritoni Fernandez, Jan Manual, Marco Alcaraz, Lian Paz, Ping Medina and Vincent Magbanua.

This is directed by Dondon Santos and yes, co-produced ito ng Avon Products dahil Kris character will play the top seller of Avon.
For this, Avon signed Kris up to be its newest endorser.

Anyways, happy si Kris na magsisimula na nga ang kaniyang comeback show after nine months dahil ang last niya pa ay ang eight week miniseries Coffee Prince with Aljur din.

Nakapag-Europe na si Kris and sister while waiting for her next show, napakag extensive acting workshop and also a lot of out the country and out of town shows for GMA.

At ngayong magsisimula na nga ang Prinsesa Ng Buhay Ko, expected na ni Kris na matitira na naman siya ng ibang fans na hindi gusto ang loveteam nila ni Aljur.

This has happened before pero hindi ito ininda ni Kris noon. Wala rin siyang balak sagutin ang kung sino mang titira muli sa kaniya just because may show na naman sila ni Aljur.

For the record, balitang ang mga fans nina Aljur and girlfriend Kylie Padilla ang ayaw sa tambalan nila and naiintindihan naman ito ni Kris and hopefully, maintindihan daw ng ibang fans na trabaho lang ito at hindi niya inaagaw ang boy sa girl.

( Photo credit to Google )

Read more...