Rabiya Mateo pasok sa Top 21 ng Miss U, pero laglag na sa final 10

LAGLAG sa Top 10 ang pambato ng Pilipinas sa ginaganap ngayong 69th edition ng Miss Universe pageant na si Rabiya Mateo.

Pumasok sa Top 21 si Rabiya ngunit hindi na nga siya pinalad na makaabante sa final 10 kaya siguradong maraming Pinoy ang nadismaya at nalungkot sa resulta.

Pagkatapos ibandera ang mga kandidatang pumasok sa Top 21 ay agad rumampa ang mga kandidata para sa Swimsuit Competition. At  mula nga rito ay pinili na ang Top 10 finalist.

Ang patuloy na maglalaban-laban para sa Miss Universe 2020 crown ay sina Miqueal-Symone Williams ng Jamaica, Kimberly Jimenez ng Dominican Republic, Adline Castelino ng India, Janick Maceta Del Castillo ng Peru, Maria Thattil ng Australia, Estefanía Soto Torres ng Puerto Rico, Amanda Obdam ng Thailand, Ivonne Cerdas ng Costa Rica, Andrea Meza ng Mexico, at Julia Gama ng Brazil.

Ginaganap ngayon ang pageant sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida hosted by Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo.

Ang mga Pinay na nakapag-uwi ng titulo at korona ay sina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015),  Margie Moran (1973) at Gloria Diaz (1969).

Read more...