Iya hinding-hindi bibili ng mamahaling bag: Sayang ang pera! | Bandera

Iya hinding-hindi bibili ng mamahaling bag: Sayang ang pera!

Ervin Santiago |May 16,2021
facebook
share this

Iya hinding-hindi bibili ng mamahaling bag: Sayang ang pera!

Ervin Santiago - May 16, 2021 - 09:41 AM

KUNG may isang female celebrity na hindi masyadong mahilig sa mga mamahalin o branded bags, yan ay walang iba kundi ang Kapuso star na si Iya Villania.

Diretsahang inamin ng TV host-actress na kahit pilitin pa siya ng kahit sino ay hinding-hindi siya maglalabas ng malaking halaga ng pera para lang bumili ng signature bags.

Partikular na tinukoy ng misis ni Drew Arellano ang super expensive na Hermes bag na paboritong bilhin ng mga tulad niyang celebrities, lalo na ng mga kilalang female stars.

Sa isang episode ng Kapuso morning show na “Mars Pa More”,  may segment sila ng co-host siya sa show na si Camille Prats na kailangang kumpletuhin ang mga ibibigay na sentence sa kanila.

At isa nga sa napunta kay Iya ay ang pangungusapa na, “Sure na ako na hanggang ngayon ay hindi n’yo pa rin ako mapipilit na bumili ng ____  kahit gaano pa ito kasikat dahil ____.

Agad namang isinagot ng TV host ang nasabing brand ng bag dahil katwiran niya, “Kahit gaano pa ito kasikat, dahil hindi ko rin naman siya magagamit.

“At sa totoo lang, hindi rin naman siya talaga ‘ako.’ Sayang ang pera,” hirit pa ni Iya.

Sinang-ayunan naman ni Camille ang sinabi ni Iya at ipinagdiinan na palaging pinaiiral ng misis ni Drew ang pagiging praktikal, lalo na pagdating sa paggastos.

“Kung meron man akong kilalang Mars na sobrang-sobrang practical, it’s my Mars Iya,” pambubuking pa ni Camille sa kanyang co-host at kaibigan.

“Hindi mo talaga siya mapipilit. ‘Yung mga ganyang items o purchase na out of this world, hindi talaga gagawin ni Mars ‘yan,” pahabol pang chika ni Camille.

* * *

Itinuturing na “best gift” ni Kapuso actress Pauline Mendoza ang mga aral at payo na natanggap niya mula sa co-actors niya sa pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Kuwento ni Pauline, marami raw siyang natutunan mula sa mga beteranong co-stars niya sa programa tulad nina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia-Lapid at Gio Alvarez.

Aniya, “Marami akong natutunan from all of them talaga na, ‘magpakatatag ka, marami kang mapagdaraanan good or bad man ‘yan. Kailangan mong mag-focus na lang kung ano talaga ‘yung goal mo dito sa industry na ‘to.’”

Pero ang pinakatumatak daw kay Pauline ay ang payo sa kanya ni John, na gumaganap bilang ama niyang si Victor sa “Babawiin Ko Ang Lahat.”

“Sabi nga sa akin ni Sir John, kung ano man ‘yung pagdaraanan mo pa rito (showbiz) kasi sabi niya, ‘Marami ka pang pagdaraanan. Six years is just six years, konti pa lang yan.’

“Kaya sabi niya, ‘You need to be brave, you need to be strong as an actress, kailangan talaga ilabas mo ‘yung passion mo, mahalin mo ‘yung trabaho mo,” sabi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Wag nang magpahuli sa mga kapana-panabik na eksena sa nalalapit na pagtatapos ng “Babawiin Ko Ang Lahat,” 3:25 p.m., sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending