Pang-aasar kay CLAUDINE: GRETCHEN nagpakuha talaga ng litrato kasama si RANDY


Nag-post si Gretchen Barretto ng retrato nila ni Randy Santiago sa Instagram. Pang-asar man ‘yun o ano, natural lang na mabigyan ng ibang kulay ang retrato nila ni Randy, interpretasyon ng iba ay ipinagpalit na talaga niya ang kapatid niyang bunso na si Claudine sa ibang tao.

Ang sagot naman ni Gretchen ay malinaw. Hindi siya nang-aasar lang, ipinagmamalaki niya talaga ang kanilang pagkakaibigan ni Randy, sinabi rin niya na tahimik at disente ang pamilya Santiago.

Natural, ang naging reaksiyon du’n ng mga tagasuporta ni Claudine ay talagang binibira niya ang kanilang bunso, alam niya naman daw na nagdedemandahan na ang mag-asawa pero nag-post pa siya ng retrato nila ni Randy at pinuri pa niya ang pamilya Santiago an kinakalaban ngayon ni Claudine.

Pero sa mga panahong ito ay wala talaga tayong maaasahang pagkampi kay Claudine mula kay Gretchen. Siya na mismo ang nagsabi na paano niya rerespetuhin ang isang taong minsan ay biniktima rin siya sa mga kasinungalingan nito?

Hindi man diretsong sinabi ni Gretchen ay parang ganu’n na rin ang tema ng kanyang saloobin, “Welcome to the club,” dahil maraming beses na siyang pinapatutsadahan ni Claudine ng puro kasinungalingan ayon sa kanya.

Du’n nga talo si Claudine ni Raymart, maraming kapatid ng aktor ang kasama nito sa laban, samantalang si Claudine ay parang pinagtampuhan ng kapalaran dahil kalaban nito ang kanyang mga kapatid.

Sa dami na ng nangyari kina Gretchen at Claudine, huwag na ang mga Santiago, kahit sino pa ang makalaban ngayon ni Claudine ay paniguradong kakampi si Gretchen sa kabanggaan ng kanyang kapatid.

Anybody but Claudine na ang paninindigan ni Gretchen, kahit sino pa ang kalaban ng kanyang kapatid ay siguradong makaaasa ng pagkampi mula sa kanya, dahil hanggang ngayon ay buhay na buhay pa sa kanyang isip kung paano siya binastos ng kanyang nakababatang kapatid na sinusugan pa ng kanilang mga magulang.

Tama. Hindi sa lahat ng panahon at sitwasyon ay totoo ang kasabihan na mas matimbang ang dugo kesa sa tubig.

 

 

Read more...