NBI chief nagbitiw


NAGSUMITE ng irrevocable resignation si National Bureau of Investigation Director Nonnatus Rojas, inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima kahapon.

Nagbitiw si Rojas pagkatapos ihayag ni Pangulong Aquino na inihahanda na ang mga kaso sa dalawang opisyal ng NBI na nag-tip kay Janet Napoles hinggil sa warrant of arrest  nito na inilabas noong Agosto 14.

Bagaman irrevocable ang resignation sinabi ni De Lima na ang desisyon kung tatanggapin ito ay nakasalalay pa rin kay Aquino.
“It goes to show that he (Rojas) is very principled.

It goes to show that he has delicadeza na kahit alam niya at in-explain ko na na hindi ikaw ang tinutukoy ng Pangulo,” ani De Lima.

Tiwala ni Noy

SINABI ng Palasyo na nananatili ang tiwala ni Pangulong Aquino kay National Bureau Investigation (NBI) Director Nonato Rojas sa kabila ng isinumite nitong irrevocable resignation.

Ayon sa tagapagsalitang si Edwin Lacierda, ang iniimbestigahang sensitibong mga kaso ni Rojas ang magpapatunay na buo ang kumpiyansa ni Aquino sa NBI.

“Yes. If you recall, a number of investigations, a number of reports have been initiated under his watch. You’ve got the Atimonan (incident); you’ve got the Balintang Channel report, some other reports.

And also, there are a number of sensitive cases that are being handled by Director Nonie Rojas, coming from Secretary Leila de Lima,” ani Lacierda.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na irerekomenda niya kay Aquino na huwag tanggapin ang pagbibitiw ni Rojas.
Ayon kay Lacierda, maraming nagawa si Rojas sa kanyang panunungkulan sa NBI.

Samantala, tumangging magkomento si Lacierda kung magreresulta sa demoralisasyon sa hanay ng NBI sakaling tanggapin ni Aquino ang pagbibitiw ni Rojas.

Read more...