NONNATUS Rojas resigned from his position as Director of the National Bureau of Investigation because he understood completely what the actions of no less than the President of Republic of the Philippines meant.
There was no need for President Aquino to articulate it. The Chief Executive showed distrust with the NBI, the very institution that was the reason, a scam this magnitude, was revealed to the public through media.
Kung kayo si Rojas, mananatili pa ba kayo sa posisyon? Sino ba ang direct superior ni Rojas sa NBI, hindi ba’t si Justice Secretary Leila De Lima?
Pero hindi magbibitiw si De Lima sa puwesto.
Hindi.
Magkaiba sila ng kalagayan sa circle of trust ng pangulo. Ngunit ang pagbibitiw ni Rojas sa puwesto ay hindi lamang dapat tingnan sa punto de bista na ito’y kawalan ng tiwala ng pangulo sa ahensiyang kanyang pinamumunuan.
Mas malalim pa ang kuwentong ito. Subukan ninyong i-Google, makikita ninyo kung ano ang pinagmulan ng lahat at kung paano at ano ang naging reaksiyon ng mga kinauukulang ahensiya sa reklamong kidnapping na nauwi sa serious illegal detention laban kay Janet Lim Napoles.
Abril nangyari ito. Abril unang nabalita ito. Kasabay ng liham , yung “Dear Mr. President” ni Napoles na kailan lamang nabalita. Yung nagreklamo at nagbulgar ng anomalya ang NBI ang pinagtiwalaan. Yung pinagbibintangan at ibinulgar, ang pangulo ang tanging pinagtiwalaan. Ang pangulo at si Napoles, parehong ilag sa NBI, may “daga” daw kasi doon.
May tao daw si Napoles sa NBI, may espiya, daga nga, dalawa nga di ba? Mapapaisip ka, ano ba ang mas mabaho? Ang daga, mga daga, dalawang daga, o sabihin na nating laksa-laksa pang daga o ang mga tila oso na tila nag-aanyong lobo?
Mapapaisip ka rin kung bakit lumutang ang katwiran na gawing testigo ng estado si Janet Lim Napoles. Bakit sila? Bakit kailangang sila ang magsalita? Lalo na yung isa? Ang tagal kasi ng pangakong larawan na magpapatunay ng ugnayan ng isang senador na kaalyado ng administrasyon na kasama si Napoles.
Hindi lang kasama ha, siya pa ang panauhing pandangal sa pasinaya ng isa sa mga NGO nito, particular, sa NGO na nakapangalan sa kanyang ina. Ano kaya ang sasabihin ng senador na ito, sakaling may lumutang na larawan? Photoshop lang?
Ganun? Super imposed? Mabuti pang umamin na bago pa magkabukingan. Pero sa katatalak, pabor sa kalagayan at trato kay Napoles ng pinakamataas na halal na opisyal ng bansa, hindi nila alam, nalalantad niya ang kanyang dating ugnayan at kamalayan sa kung sino nga ba si Napoles.
Marami na ang Dear Janet note sa social media. Susulat na rin ako sa kanya, maiksi lang.
“Dear Janet, Alam mo kung saan ka nagsimula. Alam mo kung paano ka nakarating sa iyong kinalalagyan. Kung may pagsisisi ka man ngayon, alam mong may isang bagay na makapagliligtas sa iyo, hindi sa kaparusahan ng batas, kundi sa kaligtasan sa pang-uusig ng iyong budhi. Only the complete truth will set you free. Hindi ka namin gustong makitang nakapiit. Walang nag-iisip sa iyo ng kapahamakan. Hindi kita kilala. Marami sa amin ang ngayon lamang nadinig ang pangalan mo, ngayon lamang.
Kamaikailan lamang nakita ang mukha mo. Ngunit hindi ka man naming lubos na nakikilala, alam naming batay sa mga nadinig na naming kuwento tungkol sa iyo na labis ang pagmamahal mo sa iyong ina. Give her honor, tell the entire story.
Maawa ka sa bayan mo, maawa ka sa sarili mo.”
Kung naniniwala kayong may “script” at “cover-up” sa tunay na kuwento, tiyak, ito’y mas mabaho pa sa laksa-laksang daga, mas mabaho pa sa kural ng baboy.