Kris super happy sa pagdalaw sa kanya ni Joshua: I thank God, He chose me to be their mama! | Bandera

Kris super happy sa pagdalaw sa kanya ni Joshua: I thank God, He chose me to be their mama!

Reggee Bonoan |May 09,2021
facebook
share this

Kris super happy sa pagdalaw sa kanya ni Joshua: I thank God, He chose me to be their mama!

Reggee Bonoan - May 09, 2021 - 04:22 PM

NAKAKATUWA talaga si Kris Aquino dahil sa tuwing may okasyon ay namamahagi siya ng blessings tulad ngayong Mother’s Day, hindi niya nakalimutang batiin ang followers niya sa Instagram at Facebook.

Mamayang 10 p.m. ay iaanunsyo na niya ang 14 lucky winners sa kanyang Mother’s Day pa-surprise mula sa IG at 28 naman sa FB.

Aniya, “To all other moms- Happy Mother’s Day! And to all who joined my Mother’s Day tribute, sorry po, nagbabasa pa po sila & nag co-contact ng winners (14 on IG and 28 on FB), so, I’ll do a LIVE announcement of winners’ para SAFE, around 9:30 to 10 PM? Sabay na natin sa IG & FB LIVE. See you later (kagabi).”

Kumpleto ang sayang nararamdaman ngayong araw ng Queen of Social Media dahil dinalaw siya ng kanyang panganay na si Joshua.

Grabe halos magkasingtangkad na sina Joshua at Bimby habang napapagitnaan nila ang kanilang mama Kris base sa larawang ipinost niya na hawak ang pumpon ng pink roses at ang ang background nila ay pink and gold heart balloons.

Caption ni Kris, “They SURPRISED me last night! Bumisita ‘yung Tarlac resident! I told all of you I’ll only post them pag ‘yung occasions when regular, normal people would post their kids… it’s mother’s day! and I thank God, He chose me to be their mama!”

Mahigit isang libo naman ang bumati kay Kris ng “Happy Mother’s Day” at mahigit 50k ang nag-like at heart sa larawan nilang mag-iina.

* * *

Limang taon nang naghahatid ng kasiyahan, katatawanan at inspirasyon tuwing umaga sa “Magandang Buhay” sina Jolina Magdangal-Escueta, Melai Cantiveros at Karla Estrada.  At ngayon ay sa pelikula naman sila magsasama at ano nga bang mangyayari kung sila ay magkapalit-palit ng pagkatao?

Sa pelikulang “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin!” iikot ang kuwento sa tatlong momshies na sina Jolene (Jolina), Mylene (Melai) at Karlene (Karla) na mababago ang buhay nang magkapalit ang kanilang mga kaluluwa at katawan. Dahil dito, kailangan nilang mamuhay nang magkakasama sa kabila ng mga personal nilang misyon sa buhay.

Si Karlene ay kailangang maisalba ang kanyang hotel sa tulong ng ibang negosyante ngunit walang naniniwala sa kanya dahil siya ay nasa katawan ni Mylene.

“Hindi naman maituloy ni Mylene ang kanyang application patungong Dubai dahil siya ay nasa katawan ni Jolene. Samantalang si Jolene na nasa katawan ni Karlene ay hindi maipagpatuloy ang pagiging isang influencer. Paano nga kaya malalagpasan ng tatlo ang momshierrific na pagkakataong ito?

Mula sa produksyon ng Star Cinema at Keep Filming, ang “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin” ay idinirek ni Easy Ferrer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Simula ngayong Mayo 28, mapapanood ang “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin” sa KTX.ph at iWant TFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending