Pinoy na Pinoy maging ang negosyo ng pamilya ni Miss Universe Singapore

Walang dugong Filipino si Miss Universe Singapore na si Bernadette Belle Ong pero sa Pilipinas siya ipinanganak at nanirahan hanggang 10 years old. Nag-migrate lamang ang kanyang magulang sa Singapore bago siya tumuntong ng 11 years old.

Base sa panayam ni Miss Olivia Quido-Co, ang owner at CEO ng O Skin Med Spa na siyang official skin care for Miss Universe 2020 sa ikalawang taon ay natutuwa siya kay Ms Singapore dahil napakatatas magsalita ng tagalog.

Sa pagkukuwento ni Miss Singapore, “Yes both of my parents are Chinese, born are raised in the Philippines and we speak Taglish (Tagalog-English). We love Filipino food so much that my mom actually started a company that imports Filipino food into Singapore.”

Ang mga ini-import daw ay bangus at longanisa.

“’Yung longanisa may meat restrictions in terms of food federation sa Singapore so they (parents) make their own longanisa from Singapore and they distribute that in Singapore. Pero ‘yung bangus they’re actually import in,” wika pa niya.

Hindi pa nakilala ng personal ni Ms Olivia si Belle dahil hindi siya nakarating pa sa kanyang MedSpa clinic sa Cerritos, Los Angeles tulad nina Miss Philippines-Rabiya Mateo, Miss El Salvador – Vanessa Velasquez at Miss Colombia – Laura Olascuaga dahil dumiretso na ito kaagad Miami, Florida nitong Mayo 5.

Sa panayam namin kay Ms O ngayong araw ay very Pinay nga talaga ang dating ni Miss Singapore at aminado ring mahahati nga ang boto ng mga Filipino between Belle at Rabiya.

Oo nga suportado ng Filipino community sa Singapore si Belle ng malamang sa Pilipinas siya ipinanganak at ang mga kababayang Pinoy din ang nagtulak na sumali siya sa Miss Universe 2020.

Samantala, si Miss Philippines Rabiya Mateo raw ang nagbigay ng ‘good impression’ kay Ms Olivia.

“Kasi kasama ko siya on and off camera malalaman mo na mabait na bata saka kung ano ‘yung mga pangarap niya sa buhay ikinukuwento niya from the heart,” masayang kuwento ni Ms O.

Nabanggit din niya ang kandidatang si Miss Belize – Iris Salguero, “Isa pang tumatak sa akin ang advocacy ni Miss Belize, maliit lang na country pero the way siya magkuwento talagang galing sa puso, very transparent actually. Isa iyon sa mga istorya na nag-enjoy ako kasi kuwentuhan na walang halong Miss U factor.”

Si Miss Peru- Janick Ángela Maceta del Castillo ay may taglay na beauty queen material dahil inobserbahan daw talaga ni Ms Olivia kung paano maglakad o pazarela walk.

“Ibang klase ‘yung pazarela walk niya, beauty queen talaga pagdating sa tayo, sa itsura, sa paglalakad, ‘yun ‘yung napansin ko sa kanya,” paglalarawan ng beauty specialist kay Miss Peru.

“Kung mayroon akong gustong maging kaibigan sa grupong iyon, si Miss Australia, kunwari maging BFF do’n si Miss Australia kasi sobrang kikay, natatawa siya sa sarili niya. Nag-post siya ng video na naglalakad-lakad lang tapos sa ending natalisod siya kasi mayroon palang isang rack ng damit, ipo-post pa rin niya hindi siya mahihiyang ipakita na natalisod siya. Very funny siya parang lagi siyang nasa light mode.

“Imagine 1 and 2nd day lahat ng Miss U (candidates) ipinapakita nila ‘yung best foot forward nila, pero si Miss Australia ‘yung pagkatalisod niya ang ipinakita niya, nakakatawa sabi ko nga ibang klase rin ito at feeling ko wala kaming gagawin kundi tatawa lang ng tatawa. Very truthful, very transparent.”

Nagulat naman si Ms O kay Miss Thailand – Amanda Obdam dahil habang ini-interview niya ay umabot sa 65,000 ang nanonood at ganu’n daw karami ang kanyang fans.

Anyway, patungo na ng Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida

Si Ms Olivia Quido-Co kasama ang kanyang team at si TV Patrol reporter, MJ Felipe para bukas, Mayo 9 Linggo (Manila time) para sa ilang araw na quarantine bago magsimula ang kanyang beauty regimen session sa 74 Miss Universe candidates 2020.

Ang pinaka-enjoyable moment daw ni Miss O ay, “kapag nasa backstage ako at nakikita ko silang natatarantang magbihis lahat, nakikita mo ‘yung talagang sila, mas gusto ko ‘yung mga ganu’n kaysa ‘yung nasa harapan lang ako at panoorin ko sila sa stage, prim and proper na kasi sila no’n. So gusto ko ‘yung hindi nakikita ng tao.”

Read more...