Gusto kasi niyang magkaroon ng new look sa pagbabalik niya sa kanilang news program sa ABS-CBN.
Pero ang problema gusto niya ng home service dahil may trauma pa rin siya sa kulob na lugar kaya ito rin ang dahilan kaya sa open air (malapit sa Dolphy Theater) na sila nagbabalita para sa “TV Patrol.”
Ikinuwento ni Bernadette sa pamamagitan ng isang video post kung paano siya ginupitan sa may garden ng condominium building na tinitirhan niya.
“The story behind the hair. Coming out of Covid, I needed a haircut. And yes – my friend and hairstylist @studiofixbyalexcarbonell. Was swamped.
“I was veryyyy desperate. Naghahanap ako DIY na on YouTube to cut my own hair! HONEST. ang Hirap ng Hindi mo gamay.
“But what a blessing that I found a salon was just by the road! And best of all they understood my apprehension of being indoors.
“Pwede ba ako magpagupit sa labas – kahit sa parking lot,” pahayag pa ng news anchor at TV host.
Pagpapatuloy niya, “They set up an isolated space just for me! I called it The solarium kasi no aircon and bukas pinto! @designstudioph. Super salamat din kay Barbie sa tiis sa init. Love the hair!
“I am blessed because Alex understood where my anxiety was coming from.
“Gets din ni Chase ang anxiety ko. Recovering from Covid – you will have fears but you must continue to live even if it means doing things differently.
“We cope. We remain agile and yes we continue to understand each other without judgment but with more compassion.
“And yes, walk in lightness. Free,” ang mensahe pa ni Bernadette.
Samantala, lagi niyang ipinaalala sa amin na kahit kaanak namin at kasama sa bahay ay hindi dapat magtanggal ng face mask lalo na kung poor ang ventilation.
Hindi raw dapat magpakakampante ang mga tao tulad ng kanyang ginawa, na akala niya ay safe siya dahil nag-iisa siya sa room at doon nga niya tinatanggal ang face mask niya, pero angf ending nahawa pa rin siya ng virus.