Coco naghahanda na para sa Eleksyon 2022, ‘Ang Probinsyano’ tatapusin na?

TOTOO kayang papasukin na rin ni Coco Martin ang politika at naghahanda na siya sa nalalapit na eleksyon na magaganap na sa susunod na taon?

Base sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel kasama si Mama Loi ay ang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang isa sa naging topic at matunog nga raw ang balita sa pagtakbo ni Coco sa eleksyon 2020.

“Hindi malinaw sa atin kung congressman si Coco or senador, pero feeling ko, national ang target,” bungad ng kilalang talent manager at vlogger.

Posible raw kasing nakausap ni Sen. Lito Lapid si Coco noong nagsama sila sa “Ang Probinsyano” ilang taon na ang nakararaan.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Kasi si Lito Lapid, nakasama niya sa Probinsyano, di ba? So, siguro, isa sa mga adviser niya si Sen. Lito Lapid na nagtutulak sa kanya. Siguro, ang naging bentahe ni Coco doon eh ‘yung artista siya, kilala siya at tagapagtanggol siya ng mga naaapi.”

At dito na inamin ni Ogie na hanggang 2021 na lang ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na halos anim na taon nang umeere. Nabanggit pa ni Ogie na susuportahan niya si Coco kung sakaling kakandidato ang aktor.

Oo nga, mukhang nalalapit na ang pagtatapos ng “Ang Probinsyano” dahil balitang may importanteng karakter ang tuluyan nang mamamaalam isa sa mga araw na ito na duda namin ay si Jaime Fabregas o puwede ring ang mga miyembro ng Task Force Aguila sa pangunguna ni Raymart Santiago, o sina Joel Torre at Shamaine Buencamino.

Malabo pang mawala sina Lorna Tolentino, Tirso Cruz lll, John Arcilla at Richard Gutierrez at mga tauhan niya dahil pahihirapan pa nila ni Cardo Dalisay.

* * *

Daragdag si Kapamilya teen star Zaijian Jaranilla sa mga Pilipinong artista na tampok sa American crime drama series na “Almost Paradise.”

Kasama si Zaijian sa episode ngayong Linggo (Mayo 9) na mapapanood ng 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z, at may streaming sa iWantTFC at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube para sa mga nasa Pilipinas.

Sa inilabas na teaser sa social media, makikita ang young star kasama ang beteranong aktor na si Art Acuña, na gumaganap bilang Detective Ernesto Alamares sa programang handog ng Electric Entertainment at ABS-CBN.

Sa episode na ito, magsisilbing bodyguard ang dating secret agent na si Alex Walker (Christian Kane) para sa tanyag na country singer na si August Crowe na naroon sa Cebu para sa isang concter.

Mula pagiging fan, unti-unting nauubos ang repseto ni Alex sa idolo nang makita kung paano ito sa pribado niyang buhay. Gayunpaman, ang banta mula sa mga matinik na kidnapper ang magiging dahilan para maging malapit sila sa isa’t isa.

Gaganap bilang August ang aktor na si Billy Ray Gallion,  na napanood sa mga palabas na “Brooklyn Nine-Nine” at “Lost” sa Amerika at naka-arte na kasama ng mga Pilipino sa “Quezon’s Game” at “Ang Babae Sa Septic Tank 3.”

Sa huling tatlong episode ng “Almost Paradise,” patuloy nitong ibibida ang talento ng mga Piilipino sa pangunguna ng main Filipino cast na sina Art, Nonie Buencamino, at  Samantha Richelle. Sa likod ng kamera, mga Pilipino rin ang nagtrabaho sa pinakaunang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.

Daragdag pa sa Pinoy power sa ikawalong episode maliban kay Zaijian ang premyadong aktor na si Elijah Canlas, Lloyd Zaragoza, at Al Gatmaitan. Pilipino rin ang direktor ng episode na si Irene Villamor, na nasa likod ng mga pelikulang “On Vodka, Beers, and Regrets,” “Meet Me in St. Gallen,” at “Sid & Aya: Not A Love Story.”

Read more...