Ibinahagi ni Zeinab sa bago niyang vlog ang kanyang pregnancy journey at ang mga kaganapan noong ipanganak na niya si Baby Bia.
Aniya, magkakahalong emosyon ang kanyang naramdaman nang masilayan na ang anak dahil talagang pinangarap daw niya ito kaya nagpapasalamat siya sa Diyos dahil natupad na rin ang kanyang dasal.
“Sobrang lucky kong tao to have Bia, to have my own family. As in pinangarap ko ‘to. Kung meron akong clips na nagsimula na sa pagbubuntis ko, ‘yung mga baliwan moments ko nu’ng buntis ako, ‘yung mga checkups ko. Kasi hindi naman ako nagkulang du’n, ‘yung mga way para alagaan ko si Bia,” sabi ni Zeinab.
Pahayag pa niya, “Lahat ng paghihirap ko du’n sa pagbubuntis, moments ko hanggang sa delivery ko. Lahat ‘yun worth it nu’ng nakita ko si Bia.
“Hanggang ngayon kapag nakikita ko ‘yung picture ng anak ko or kaya hawak ko siya or katabi ko siya, hindi ko talaga mapigilan hindi maiyak sa sobrang saya,” lahad pa ng vlogger.
Inamin din ni Zeinab na nagkakaroon na rin siya ng postpartum depression dahil hindi pa rin niya mapigilan ang pag-iyak hanggang ngayon.
“Nagulat ako na hanggang ngayon umiiyak ako kasi iyak nga ako nang iyak. Siguro dala na lang din ‘to ng sabi nila pagkapanganak talagang iyakin ka or may postpartum kang tinatawag or ayun nai-stress ako,” paliwanag niya.
“Pero gusto kong magpasalamat unang-una sa Diyos kasi kahit na nahihirapan ako, binigyan niya ako ng isang healthy na bata. ‘Yun naman ang pinaka importante du’n magandang buhay, magandang pamilya. Wala na akong masasabi or mahihiling pa,” chika pa ni Zeinab.
Sabi pa niya, mahirap man ngunit unti-unti na rin siyang nakakapag-adjust bilang first time mommy, “Nakakapanibago lang dito sa bahay. Mag-CR lang ako or kaya matutulog ako, nalulungkot ako. Kasi kailangan nakikita ko siya lagi.”
Para naman sa kanyang mga tagasuporta, ito ang mensahe ni Zeinab, “Hindi ko man masabi na makakagawa pa ako ng videos. Ito, dahil kailangan kong magpagaling. Hirap nga. Ang hirap kahit paglalakad ko, hindi ko kaya.
“Tumawa nga hindi ko kaya. Kasi ang sakit nu’ng tahi ko. Alam naman siguro ng mga CS moms ‘yan. So mahirap talaga siya. Ilalaban ko and lalaban ako kasi meron akong happy pill na Bia,” sabi pa ng vlogger.