PROUD na proud ang ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa bagong “achievement” ng panganay nilang anak na si KC Concepcion.
Nakalipat na kasi ang dalaga sa bago niyang bahay matapos iwan ang kanyang condo life na tumagal din ng ilang taon.
Masayang-masaya naman ang singer-actress dahil suportado siya ng kanyang parents sa desisyon niyang manirahan sa sarili niyang bahay at tuluyan nang iwan ang pamumuhay niya sa condo.
Nag-share si KC sa Instagram ng mga litrato kung saan mababasa ang pakikipagpalitan niya ng text message kina Gabby at Shawie.
Sey ni Gabby, super happy siya dahil natupad na rin ng panganay niyang anak ang matagal na nitong pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
“Wow. You’ve got it all figured out. That’s my girl,” ang text message ni Gabby kay KC.
Ito naman ang inilagay na caption ng singer-actress sa nasabing post, “Words of encouragement from Papa. Moving from a condo to a house is so intimidating!
“But I got this…my pops happens to be a licensed real estate broker in California. Grateful to get tons of real estate advice! Thanks for looking out Pa!” aniya pa.
Ang text naman Sharon sa anak nang malamang may bago na siyang bahay at nakalipat na sa wakas, “Wow! Am so proud of you!”
Ipinost din ito KC sa kanyang IG page at may caption na, “The only words an independent woman will ever need from her mother to keep her going. Rare, and definitely not taken for granted. Love all around.”
Nito lang nagdaang Abril ibinalita ni KC sa kanyang mga tagasuporta na nagdesisyon na siyang lisanin ang tinitirhang condo para manirahan sa “tunay” na bahay.
“This was the moment I decided to move out of my condo and try living in an actual house. Yup, I’m moving!” sabi ni KC.
Pero ayon sa dalaga, hindi niya sasabihin kung saan siya lilipat para na rin sa kanyang seguridad.
“Please don’t ask me where to for security reasons. All I know is, some good decisions come from the most unexpected (unguarded) moments. As for me, my enlightenment came from pizza and a glass of wine,” chika pa ni KC sa kanyang previous IG post.
Kung matatandaan, naibalita na noon na matagal nang naninirahan si KC sa kanyang three-bedroom condo unit sa Bonifacio Global City sa Taguig. Dito rin siya inabot ng lockdown mula nang magkaroon ng pandemya.