True ba, Kris Bernal retokada, gastadora, mahilig mag-edit ng litrato sa socmed? Bandera

True ba, Kris Bernal retokada, gastadora, mahilig mag-edit ng litrato sa socmed?

Ervin Santiago |May 04,2021
share this

True ba, Kris Bernal retokada, gastadora, mahilig mag-edit ng litrato sa socmed?

Ervin Santiago | May 04,2021 - 12:01 PM

DIRETSAHANG sinagot ni Kris Bernal ang mga tanong ng netizens sa isinagawa niyang “true or false” session sa kanyang Instagram Stories.

Walang inatrasang question ang dalaga — talagang nireplayan niya nang bonggan-bongga ang mga followers niya sa IG, mula sa personal na tanong hanggang sa mga maintriga at kontrobersyal na issue.

Tanong ng isang netizen kay Kris, “Retoke ‘yung nose?” Sinagot ito ng aktres kalakip ang throwback photo niya na kuha noong 12 years old pa lang siya.

“A lot of people think I had a nose job but I was born with a matangos na ilong,” sey ni Kris.

Sunod na tanong sa kanya, “Do you use editor for your insta photos?” Reply ng dalaga, “No. I don’t have the time to do it and I don’t have the patience to do it as well. Also, I can’t find the best preset! I couldn’t figure it out so as much as possible I go for raw photos.”

May nang-usisa rin tungkol sa kanyang workout routine, “I run for 10 mins. as my warm up and do weight training afterwards. My goal is to gain muscle mass especially to grow my legs and glutes.

“I just opt for healthy alternatives. I don’t count calories. I don’t weigh myself,” dagdag niyang sagot.

“Magastos po ba ang isang Kris B?” Sagot ng aktres, “I received so many questions related to luxury bags. But, I’ll answer this one.

“I won’t act like a hypocrite. But TBH (to be honest), I spend more before during the pre-pandemic since work kept coming in. Bili agad!!!”

“Now, I think twice before I buy. I think I became a wise spender this time. I have sold a lot of my luxury stuff this lockdown,” pag-amin pa niya.

Sabi ni Kris, priority niya ngayon ang pag-iipon para na rin sa future nila ng kanyang fiancé na si Perry Choi, at para na rin sa pagpapatayo ng kanilang magiging bahay.

“My priorities changed. I’m saving for the future since I’ll get married soon and we’ll build our dream house,” sabi pa ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending