Angel binigyan ng pera ang tatay ng batang iyak nang iyak sa loob ng clinic Bandera

Angel binigyan ng pera ang tatay ng batang iyak nang iyak sa loob ng clinic

Reggee Bonoan |May 03,2021
share this

Angel binigyan ng pera ang tatay ng batang iyak nang iyak sa loob ng clinic

Reggee Bonoan | May 03,2021 - 05:19 PM

HINDI na talaga mapipigilan si Angel Locsin sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa sarili niyang paraan kahit pa nga may ilang bumabatikos sa kanya.

Mula pa noong nagsimula ang total lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay namimigay na ng ayuda si Angel hanggang sa nagtayo na nga siya ng community pantry bilang bahagi ng kanyang birthday celebration selebrasyon na naging kontrobersyal pa.

Inako lahat ng aktres ang pagkakamali sa mga nangyari sa pa-community pantry niya sa Barangay Holy Spirit kung saan may namatay na senior citizen at may ilang nagpositibo rin sa COVID-19 ngunit hindi pa rin tinatantanan ng netizens at ilang trolls ang dalaga.

Gusto naming tanungin ang mga umaatake kay Angel, simula nang magka-COVID ay may naambag ba kayo sa mga nangangailangan na galing mismo sa sarili ninyong bulsa?

Imbes na puro kuda, gamitin n’yo ang social media para makatulong din kayo sa sambayanang Filipino.

Anyway, walang sinabi ang isang netizen na nag-post sa kanyang Twitter account kung bakit nasa Mayon M Place clinic si Angel nitong Mayo 1.

Trending sa Twitter ang pag-aabot ng aktres ng tulong pinansyal sa isang tatay na nagbabantay sa anak niyang naroon. Iyak nang iyak kasi ang bata kaya nilapitan ito sabay bigay ng pera sa lalaki.

Base sa video post ng netizen na si @dagamiRRT na naka-tag pa si Angel, “Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya.

“Myghaaad, Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu. Godbless!” sabi pa nito.

May nagtanong kay @dagamiRRT kung sino ang umiiyak at bakit, “Yung baby ang umiiyak kasi kinukuhanan ng blood. Bigla na lang lumapit si Mam Angel sa tatay ng baby. She’s truly an Angel who help other people. God bless you more Ms Angel Locsin.”

Ayon naman sa isa pang netizen, “Angel talaga. Salamat kay Angel at natulungan si baby and papa nya. God bless you pa more Angel Locsin.”

Kung may mga pumuri ay may mga epal pa rin na hindi matanggap na napupuri ang aktres. Sabi ng basher, “OA na yung mga PUBLIC DISPLAYS of pamalat bunga charity. Too much self promotion na.”

Ipinagtanggol naman ng isang netizen ang aktres, “Bat sya ba nag video sa sarili nya? Ikaw nga walang tulong eh hahanash kappa. D nya kasalan kung may nag-video sa kanya at pinost. Duh nega mo! Ikaw kaya, lalapitan mo ba ‘yung tatay na umiiyak at bibigyan mo ng pera? Baka dadaanan mo lang. wag kang ano dyan.”

Comment ng isa, “Sana dika maubusan ng pera angel. wish ko rin makatulong sa nangangailangan. kakairita ta lang ung mga mapang abuso kapag natulungan na nagrereklamo pa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending