Relasyong CRISTINE-DEREK hindi raw magtatagal, mamalasin din

HA-HAHAHA! Tawa kami nang tawa sa mga natatanggap naming mensahe mula sa ilang kaibigan at kakilala sa relasyong Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Huwag daw pakasiguro ang aktres na “forever” na ang kanilang pagmamahalan ng hunk actor. Hindi pa nagkukuwento ng detalyado sina Derek at Cristine tungkol sa kanilang relasyon, pero sa Instagram ay nag-post sila ng picture at isang video ng kanilang kulitan na kinunan sa mismong bahay ng aktor na tinawag pa nga ni Cristine na “My King’s Crib.” Isang kissing picture naman ang ipinost ni Derek sa kanyang account na may caption na “This is forever.”

At ‘yan ang dahilan kung bakit tawa nang tawa ang ilang kakilala naming taga-showbiz, e, kasi nga, nagsalita na naman daw ng tapos si Derek na hanggang kamatayan na ang pagmamahalan nila ni Cristine, tapos bukas-makalawa, maghihiwalay din!?

“Naku, magsitigil nga sila, for all you know, naggagamitan lang ang dalawang ‘yan dahil pareho silang may mga projects, at may ginagawa silang pelikula ngayon, di ba?

At si Cristine pa ba ang may kredibilidad pagdating sa pagmamahal! Ha-hahaha! Echoserang palaka rin naman ang babaeng ‘yan!” pagtataray ng isang nakausap namin na nakakita sa picture nina Derek at Cristine na naghahalikan.

Ito naman ang hirit ng isang friendship namin na may halong inggit na kay Cristine, “Paano mong sasabihing matino at disenteng babae ‘yan, parang nagpapalit lang ng panty kung makipag-boyfriend!

Tsaka kung may breeding ka, hindi ka papayag na i-post sa mga social networking sites ang photo n’yo ng boyfriend mo  na naghahalikan!”

At ito pa ang nakakalokang comment ng baliw na baliw kay Derek, “Hindi sila bagay! Masyado nang maraming pinagdaanang lalaki si Cristine! Sana pumili naman si Derek ng babaeng pwede niyang ipagmalaki.

Para naman siyang maubusan ng babae! Ang dami-dami kaya naming naghihintay sa kanya!” Ha-hahaha! O, di ba? Halos lahat ng nakakausap namin ay ayaw kay Cristine para kay Derek.

Naku, kayo naman, para kayong bago nang bago, hayaan n’yo, darating din ang araw na magkakahiwalay din ang dalawang ‘yan. Ha-hahaha! Ang nega talaga!

Hindi, honestly, hindi kami naniniwala na magtatagal ang relasyon nina Cristine at Derek. Pero malay nga naman natin, baka sila na ang itinakda ng tadhana! Ha-hahaha!

Anyway, sa panayan ng press kay Cristine, tinanong kung ano ba ang nakita niya kay Derek at napasagot siya nito? “Pareho kaming baliw, pareho kaming outgoing, family man, yun ang pinakagusto ko sa kanya.”

Bago ito, may inilagay ng picture si Cristine sa kanyang Instagram na may caption na, “Not just your girl, I am your everything.” Nakasulat din doon ang mga numerong “8-28-2013” na sinasabing date ng kanilang pagiging official na magdyowa.

( Photo credit to Google )

Read more...