Daniel kontra sa pagpasok ng 2 pinsan sa showbiz, pero pumayag din dahil…

KONTRA si Daniel Padilla sa pagpasok sa showbiz ng dalawang pinsan niyang sina Analain at Ashton Salvador.

Pormal nang ipinakilala kamakailan ang magkapatid sa ginanap na virtual media launch bilang bagong miyembro ng grupong Squad Plus mula sa ABS-CBN Star Magic.

Inamin ni Analain na mas kumportable siyang humarap sa mga camera kesa sa kanyang kapatid na si Ashton at talagang gustung-gusto niyang mag-artista tulad ng kanyang pinsan na si DJ at tiyahing si Karla Estrada.

“Ever since kasi, I had a passion for acting. That’s what made me go into showbiz, gusto kong humusay sa pag-aarte.

“When I first heard it sa tita ko, I was very excited to join a new family. Actually, this is my first family sa showbiz.

“Bilang Kapamilya na-excite ako na I get to enter showbiz and magpakita ng talento because I have a passion for acting and I actually want to be good at it,” masayang kuwento ng dalaga sa press.

Aniya pa, “Natuwa rin ako na marami akong kasabay na kaedad ko. Hindi ako mag-isa and siyempre mas natuwa ako na sabay kami ng brother ko pumasok at alam kong hindi ako nag-iisa na baguhan sa showbiz. Kaya it feels overwhelming and nakakataba ng puso na I’m part of kapamilya now.”

Inamin naman ng 17-year-old na si Ashton na medyo na-stress siya ngayong nakapasok na siya sa showbiz  “Kinabahan ako. Speechless dahil hindi ko na-imagine na papasok ako sa ganitong industriya ng pag-aartista.

“Kinakabahan pa rin ako. Gusto ko rin naman talaga kaso mahiyain ako kaya medyo nahirapan din ako pumasok kasi hindi ko kaya magpakita sa camera,” ang natatawang pahayag pa ng binata.

Samantala, nabanggit nga ng magkapatid na hindi agad pumayag si Daniel nang ibalita nilang mag-aartista na rin sila.

“When kuya DJ first heard na papasok kami sa showbiz, ayaw niya talaga kasi he wants us to finish school first.

“But then kinausap naman kami na hindi pa rin namin pababayaan yung pag-aaral namin kasi of course, he also wants to finish college and high school.

“Kaya we promised kina kuya DJ, kina tita Karla, to our mom, na kahit anong mangyari, kahit maging busy man yung schedule namin in the future, we promise na tatapusin namin yung pag-aaral namin,” sabi ni Analain.

Ibinalita ng dalaga na may gagawin na siyang teleserye very soon sa ABS-CBN habang si Ashton naman ay naghahanda na rin sa mga ibibigay na projects sa kanya ng Star Magic.

Kinakarir ngayon ni Ashton ang pagiging musikero pero game rin siya pagdating sa aktingan, “Okay lang sa akin na kahit anong ibigay na trabaho. Handa ako. Siyempre baguhan lang ako. Willing ako um-accept ng mga ganung trabaho.”

Read more...