Iya umaming hindi na-imagine na magpapakasal kay Drew: Kasi hindi naman ‘yan ‘yung type ko, mars!

WALANG kagatul-gatol na inamin ni Iya Villania on national television na hindi talaga ang tulad ni Drew Arellano ang tipo niyang lalaki.

Kung may isang showbiz couple na maituturing na perfect together dahil sa kanilang mga hilig at paniniwala sa buhay, yan ay walang iba kundi sina Drew at Iya.

In fairness, ilang taon ding naging mag-boyfriend-girlfriend ang Kapuso couple bago sila nagdesisyong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Talagang hashtag #RelationshipGoals ang peg ng mag-asawa na nagsisilbing inspirasyon din sa ibang young couples ngayon sa loob at labas ng showbiz.

Ngunit sa nakaraang episode nga ng morning show ng GMA na “Mars Pa More”, talagang hindi napigilan ni Iya ang aminin sa milyun-milyong Kapuso viewers na hindi niya talaga na-imagine na ikakasal siya kay Drew dahil hindi nga ito ang ideal man niya.

Sabi ni Iya sa kanyang co-host sa “Mars Pa More” na si Camille Prats, “Mars, nagsimula kaming loveteam. Ha-hahaha! Alam mo ‘yon, ‘di ba, sa ‘Click?’

“So, nagsimula kaming loveteam but I never thought that I would actually marry Drew. Kasi hindi naman ‘yan ‘yung type ko. Hindi. Hindi ‘yan ‘yung type ko, mars,” pag-amin ng actress at TV host.

Ngunit aniya, sa tagal na ng pagsasama nila ni Drew, na-realize niya na ang lalaking pinakasalan niya ay ang kanyang “Mr. Right”.

“But, now that we’re married, you know what? He turned out to be everything that I wanted.

“Alam mo, mars, ‘yung nakakatuwa, even including becoming the athlete that he is, the businessman that he is, you know, these are all things that I never realized that I wanted and it’s what he is,” pahayag pa ng misis ni Drew.

At sa tanong naman kung anu-ano pa ang plano nilang mag-asawa para sa kanilang future bilang married couple, “Saan ba kami papunta? Mars, well, nandu’n na kami, papunta na kami sa we’re preparing our retirement home. Ha-hahaha! Ganu’n na ang mga iniisip namin ngayon.”

“Of course, eventually the kids are gonna be doing their own thing. So, parang ‘yon. We’ve already invested in a place where we plan to grow old together.

“So, ayon. Doon kami papunta, mars. Pero hindi siya sana near future, no!” chika pa ni Iya.

Read more...