Ito ang tumatawang sabi ng komedyanang si Alora Sasam habang tawang-tawa rin sa kanya si Erich Gonzales.
Si Alora ang guest ni Erich sa kanyang bagong vlog sa YouTube na kaka-upload lang nitong Linggo ng gabi. Marami silang napagkuwentuhan with matching Korean mukbang.
Unang nagkatrabaho sina Erich at Alora sa “Blood Sisters” kung saan din sila naging close at kahit hindi sila madalas magkita ay hindi naman nawala ang kanilang komunikasyon.
Nabanggit pa ng komedyana na sobra siyang nagpapasalamat dahil nakatrabaho niya sina Erich at Ogie Diaz na nakakatuwa rin daw kasama.
Natanong naman ng bida ng “La Vida Lena” si Alora kung sino pa ang mga pangarap nitong makatrabaho, “Judy Ann (Santos),” mabilis na sagot ng dalaga.
Sabi rin ni Erich, “Uy, same tayo, fan na fan talaga ako.”
“Lahat na lang kaya niyang gawin ‘no? Ipinanganak siya talaga para sa industry,” sambit ni Alora.
Say naman ni Erich, “Ako, recently I spoke to Ma’am Charo, na-realize ko grabe, ibang klaseng experience rin siguro kung makatrabaho mo si Ma’am Charo, we talk about life (and) work, iba! Too much wisdom.”
“Nabasa ko ‘yung ano niya, Journey niya, ‘yung book niya, nurse pala siya?” saad ni Alora.
“Gusto mo rin siyang makatrabaho?” tanong ni Erich sa kaibigan.
“Oo naman ano ka ba!? Love triangle (kami) parang World of the Married couple siya ‘yung doctor, ako ‘yung kabit!” humihiyaw na sabi ni Alora.
Tawang-tawa rin si Erich sa magiging karakter ng kaibigan sa pangarap nitong proyekto kasama ang dating presidente ng ABS-CBN.
Sabay tanong ng aktres kung sino ang leading man, “Carlo Katigbak! Waaa! Ha-hahaha!” tawa nang tawang sabi ni Alora.
Hirit ni Erich, “Crush mo si sir Carlo?”
“Hindi! Pero iba ‘yung (dating) lalo na nu’ng nasa Congress siya (ABS-CBN franchise hearing). Hi, sir Carlo! Ang sexy ng pagiging…. (hindi itinuloy),” tawa nang tawang kuwento ni Alora.
Hindi naman halos makakain si Erich sa katatawa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.
Ang paliwanag naman ng komedyana kung bakit niya gusto ang kasalukuyang Presidente at CEO ng Kapamilya network, “Iba ‘yung talino niya, feeling mo ang sarap kausap.”
At dito nito inamin na gusto na niyang magkadyowa dahil since birth ay wala pa siyang nakarelasyon. Gulat na gulat naman si Erich sa pag-amin ng kaibigan.
“Gusto ko malambing, ‘yung funny din. Ayaw ko nu’ng…kasi baka ma-bore ako,” saad ni Alora.