Kiko Estrada umaming single na uli; kakaririn muna ang trabaho

“FOCUS on work,” ang sagot ni Kiko Estrada sa tanong ni Jolina Magdangal kung kumusta ang estado ng puso ngayon ng aktor.

Si Kiko ang guest sa “Magandang Buhay” kaninang umaga at naka-zoom ang mommy nitong si Cheska Diaz para ibuking siya kaya inunahan ng aktor na maging maingat sa mga sasabihin nito sa ere.

Natanong sa show kung kailan huling napagalitan ni Cheska ang anak at sinabi nito na kahapon (Linggo) lang dahil may ginawa raw itong hindi maganda pero hindi na niya binanggit kung ano ito.

“I’m a bad boy,” tugon naman ng aktor nu’ng tanungin siya ng isa sa host na si Melai Cantiveros.

Nabaggit din ni Cheska na pagdating sa lovelife ng anak ay hindi siya nakikialam at kung sinuman ang gustuhin ni Kiko ay mamahalin din ng kanilang pamilya.

At sa muling tanong kung kumusta ang puso ngayon ni Kiko, “Estado?  He’s focusing on work. That’s what he wants focus on work,” sagot ng momshie ng aktor.

Salo naman ni Kiko, “I guess I can answer that. Yeah, I’ll take this one from my mama. I think it’s a proper way for a man to say my status in life not my mother. Well yeah, I’m single.

“So I focus on work. Kasi ang pangit if my mom’s going to say this for me. So I will take this mom. Well, my mom told me that for people to respect me you have to do the right thing,” sabi ng binata.

Sa tanong kay Cheska kung paano niya ilalarawan ang babaeng gusto niya para sa anak.

“Wow, I think that’s too general. But I think Kiko can describe but I think the most important for me is that the person should have God in her life, you know ‘yung kanyang relationship with God is very important with me because if you have that relationship, you are set for life, you are set for eternity.

“That’s the only thing I would want sana but like I told you awhile ago whoever he loves kasi you have to love also.  We can always teach afterwards thru loving that person,” paliwanag ng nanay ng binata.

At bago nagpaalam sa ere si Cheska ay sinabihan siya ng anak ng, “Before you go mama, you look beautiful today and I love you.”

Hayan diretsahan nang inamin ni Kiko na single siya ngayon kaya totoo nga ang balita na wala na sila ni Devon Seron.

Read more...