Bakit nadamay si Camille Prats sa kontrobersyal na away ng JaMill?

“NADAMAY” pala ang Kapuso actress at TV host na si Camille Prats sa kontrobersyal na paghihiwalay ng internet sensation na sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat o mas kilala bilang JaMill.Na-shock si Camille nang makatanggap ng mga mensahe mula sa netizens at nagsasabing huwag siyang masyadong magpaapekto sa pambababae ni Jayzam at lakasan lang ang loob niya.

Ang akala pala ng ilang social media followers ng Kapuso actress ay siya si Camille Trinidad na nabiktima umano ng panloloko ng kanyang boyfriend.

“Ibang Camille po iyon,” ang paglilinaw ni Camille sa mga taong nagpadala sa kanya ng mga mensahe ng suporta at pagmamahal.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi pa ng “Mars Pa More” host ang dalawang screenshot ng ipinadala sa kanyang message ng kanyang followers.

Sabi sa kanya ng netizen, “Ate kamusta kayo ni kuya jayzam… sana maging okay kayo ate.”

Sabi ni Camille sa isang screenshot na kanyang ipinost ay wala siyang sinagot na kahit sino sa mga nag-send ng mensahe ng pakikisimpatya sa kanya.
May nabasa kasi ang aktres na nag-reply sa isang netizen na nagsabing, “Ibang Camille po ata tinutukoy nyo. Masaya po kaming nagsasama ng asawa ko at wala kaming problema. Never siyang nagloko sakin.”
Kaya naman agad nilinaw ng celebrity mom ang issue at ipinagdiinang nagkamali lamang ng pagkakaintindi ang ilang mga netizens at fans ng JaMill.

“Hi everyone!!! Been getting alot of private messages like these. I was also getting tagged and my photo also being posted.

“Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion, ibang Camille po iyon.

“The convo on the right was EDITED. I didn’t reply to anyone just like the message shown below. Appreciate your kind messages guys but you got the wrong ‘Camille,'” paliwanag pa ni Camille Prats.

Kasal si Camille kay VJ Yambao at biniyayaan nga sila ng dalawang anak – sina Nala at Nolan. Ang panganay ng Kapuso star na si Nathan ay anak niya sa yumaong asawang si Anthony Linsangan.

Read more...