MALALIM, nakalulungkot ngunit inspiring at punumpuno ng pagmamahal ang hugot ni Glaiza de Castro patungkol sa long distance relationship nila ng kanyang fiancé na si David Rainey.
Ramdam na ramdam ngayon ng Kapuso actress ang hirap ng LDR status nila ni David matapos silang ma-engage last December. Ito’y dahil na rin sa pagbabalik ng mga travel restrictions dahil sa muling pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa kanyang Instagram at YouTube channel ibinahagi ni Glaiza kung paano sila nakaka-survive ni David sa mas nakakapraning ngayong long-distance relationship.
“It’s been almost a year since the Philippines imposed the travel ban. If booking flights used to be so easy, sometimes surprisingly affordable, now it’s a conundrum of trying to find ways on when or how you will see your loved one/s again,” simulang hugot ng dalaga.
“Yes, I’m one of those affected by this, not because I’m itching to book my next travel destination but because I’m in a long-distance relationship made more difficult because of this pandemic,” aniya pa.
Tanggap na raw niya na matatagalan pa bago sila magkita uli ng kanyang future husband kaya ginagawa nila ngayon ang lahat ng paraan para mapanatili ang “init” ng kanilang pagsasama.
“Our faith is constantly tested, our creativity is challenged, and though it is overwhelmingly hard, we continue to hope, knowing that one day, it will all be worth it,” sabi ng aktres.
Mapapanood din sa vlog ni Glaiza ang isang maikling video kung saan makikita ang engaged couple na nagbabasa ng mga love letter nila para sa isa’t isa.
“This is the story of how we persevere, how we try to make each other feel that distance is never going to be a hindrance in keeping our relationship,” sey pa ng dalaga na mapapanood na uli sa telebisyon via GMA’s TV remake ng classic Regal movie na “Nagbabagang Luha” with Rayver Cruz.
Last Dec. 24, 2020, ibinandera ni Glaiza sa IG ang engagement nila ni David sa pamamagitan ng kanyang litrato suot ang singsing na ibinigay sa kanya ng fiancé.
“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather… it just felt right,” aniya sa caption.