Richard Poon bina-bash ng netizens matapos mag-react sa community pantry

TRENDING ngayon ang crooner na si Richard Poon dahil sa tanong niya kung ang Maginhawa community pantry ba talaga ang unang gumawa nito para makatulong sa mamamayang nawalan ng trabaho?

Ni-repost kasi si RP (tawag kay Richard) ang mga larawan ng mga naunang bayanihan noong simula pa lang ng 2020 mula sa netizen na si MJQ Reyes.

Ang caption ni Richard dito ay, “DID THE BAYANIHAN SPIRIT OF COMMUNITY PANTRY ONLY STARTED RECENTLY? IS MAGINHAWA THE TRUE ORIGIN?

“Again, let me say the bayanihan spirit is alive and well sa Filipino communities even a year ago. But there can be SOME DIFFERENCES.

“These are interesting points raised by MJ Q. Reyes in her recent FB post:

“MJQ Reyes: FLASHBACK:

“This was posted 13 MONTHS AGO. Look, as EARLY as March 2020 LAST YEAR, buhay na buhay na ang bayanihan at marami na tayong mabubuting kababayan na namamahagi ng libreng gulay, taho, byahe, at iba pa.

“Ang 6 na KAIBAHAN nito:

“1. Walang mainstream MEDIA COVERAGE.

“2. Wala silang IBANG AGENDA maliban sa pagtulong lamang sa kapwa.

“3. Hindi sila NAMUMUDMOD ng mga PAMPLETA at naghihikayat ng pag alsa.

“4. Walang recruitment at walang PINAPIPIRMANG PETISYON.habang nakapila.

“5. Walang fundraising in $$$ (dollars) or in million pesossess.

“6. Hindi sila affiliated sa mga subersibong grupo.”

Ibig sabihin ng singer ay noon pa man ay ginagawa na ang bayanihan tulad ng pagtatayo ng community pantry pero ngayon lang ito napag-uusapan.

Ngunit may ilang followers si Richard na kumukuwestiyon sa motibo niya kung bakit kailangan pa niyang ibandera at ipaalala ito sa publiko gayung iisa lang naman ang adhikain ng proyekto, ang makatulong sa mga nangangailangan.

Read more...