NAGPASALAMAT ang internet sensation at controversial vlogger na si Camille Trinidad sa lahat ng mga nakisimpatya at nagparamdam ng pagmamahal sa kanya.
Ito’y matapos ngang sumabog sa social media ang ginawang pangloloko sa kanya ng kanyang boyfriend na si Jayzam Manabat na isa ring kilalang YouTuber.
Mainit na pinag-usapan ng mga netizens ang pambababae ni Jayzam, at hindi lang isang girl ang involved kundi apat – base na rin sa naging pahayag ni Camille sa kanyang mga socmed post.
Inamin naman ng kontrobersyal na vlogger na nagkamali siya at pinagsisisihan na niya ang kanyang ginawa kay Camille at mahal na mahal pa rin daw niya ang dalaga.
Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Camille sa mga fans ng JaMill (tambalan nila ni Jayzam) na talagang nagpahayag ng suporta sa kanya at nagpalakas ng loob niya.
“Thank you po sa lahat ng nag-message sa akin, sa lahat ng nagsabing kakayanin ko at ‘yung mga taong di ko inexpect na kakamustahin ako. Sobrang thank you.
“Nakakagaan ng loob. Di ko po na kayo ma replyan lahat pero sobrang thank you po. Sa lahat ng pagmamahal na natanggap ko, salamat po,” mensahe ni Camille.
Nag-share rin ang vlogger ng dalawang Bible verse na kinakapitan daw niya ngayong mga panahong ito, “Isaiah 41:10 So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.”
“Exodus 15:2 The Lord is my strength and song; He has given me victory,” dagdag pa niya.
Last week, ibinandera ni Camille na nahuli niyang niloloko siya ni Jayzam, “Akala ko tatlo lang pero apat pala sila. Sana naman wala ng lumabas dahil sobrang sakit na.
“Walang tigil tong isip ko kung bakit nagawa sakin to. Parang awa mo na sana huli natong nakita ko dahil sobrang sakit na ng ginawa mo. Wala nakong luhang maipatak dahil ubos na ko,” aniya sa kanyang post.
Kasunod nito, nagbigay din si Jayzam ng mensahe sa pamamagitan ng Facebook. Dito sinabi niya ang dahilan kung bakit inamin niya ang lahat kay Camille.
“Inamin ko na lahat kay Camille. Ayaw ko nang gumaya sa iba na mag tatago pa at itatanggi pa. Lahat ng sinabi ni Camille totoo, hinarap ko ng buo. Pasensiya na sa mga nadismaya sakin, naiintindihan ko po lahat ng hate at galit, deserve ko po,” pag-amin ni Jayzam.
Pagpapatuloy pa niya, “Wala nang ibang mas iimportante sakin kundi ang pamilya namin at si Camille. Sinabi ko na lahat sa kanya, lahat po ng sinabi nya. Sa akin po mismo nanggaling ‘yun at inaamin ko po lahat ng iyon. Bilang lalaki.
“Maraming salamat sa mga nag mamalasakit na nag chachat saamin ngayon maraming salamat po. Sa pag kahulog namin, mas lalo naming nakikilala kung sinong andito para saamin at kung sinong totoo sa amin,” pahayag ng YouTuber.
Sabi pa ni Jayzam, hindi raw deserve ni Camille ang mga nangayari sa kanilang dalawa, “Mahal na mahal kita Camille. ‘Di mo deserve ang Jayzam na kagaya ko.”