Boto nga ba sina Manny at Jinkee sa bagong dyowa ni Jimuel?

SUPORTADO ng kani-kanilang mga pamilya ang relasyon ng Star Magic talents na sina Jimuel Pacquiao at Arabella del Rosario.

Boto naman daw ang mga magulang ni Jimuel na sina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao sa girlfriend nitong youngstar na si Arabella.Sabi ni Jimuel, totoong nagtanong ang kanyang parents tungkol kay Arabella na natural lang naman daw dahil karapatan ng mga ito na malaman kung ano ang mga nangyayari sa personal na buhay nilang magkakapatid.

Siniguro naman ng binata na suportado nina Manny at Jinkee ang kanilang pagmamahalan at maligaya ang mga ito para sa kanya at kay Arabella.

“Of course, it’s normal naman po to ask questions. You know, where she’s from, ganito.

“But they’re very supportive naman kasi tugma kaming dalawa and parang we’re both happy,” pahayag ni Jimuel sa isang panayam. Kabilang na rin siya sa grupong Squad Plus ng Star Magic.

Samantala, pinayuhan naman si Arabella ng kanyang mommy kung paano nila mas mapagtitibay ni Jimuel ang kanilang relasyon kahit nasa showbiz industry sila.

“For my mom po, parang sabi niya, marami pa kaming mapagdadaanan na challenges. And of course, hindi din mawawala ‘yun especially ‘yung pressure ng showbiz,” chika ng dalaga sa isang video interview mula sa Star Magic.

Dagdag pa niya, “So, parang kailangan lang naming magiging matatag and kailangan lang namin i-remember na why we are together in the first place.”

Sabi naman ni Jimuel, ang Diyos ang sentro ng kanilang relasyon ni Arabella, “For me naman po, it’s having God at the center of our relationship kasi everything will follow. For as long as we read the bible, always pray, everything will just follow lang din.”

Kung matatandaan, nito lamang nagdaang Marso umamin sina Jimuel at Arabella sa kanilang relasyon matapos mag-post ng kanilang sweet photos together sa social media.

Read more...