Julie Anne naiilang sa hubad na katawan ni David; handa nang sumabak sa mas palaban na role

INAMIN ni Julie Anne San Jose na naiilang din siya kapag naka-topless lang ang leading man niya sa “Heartful Café” na si David Licauco.

Sa trailer pa lang kasi ng nasabing Kapuso romcom series ay ilang beses nang ipinakita si David na nakahubad at sa mismong harapan pa ni Julie.Ang “Heartful Café” ay kauna-unahang pagtatambal ng dalawa sa isang teleserye kaya hindi talaga maiiwasan sa simula ang ilangan factor pero in fairness, matindi rin ang chemistry nila on screen, ha!Natanong si Julie sa virtual presscon ng serye kamakailan kung ano ang reaksyon niya sa paglalantad ni David ng kanyang hunky body sa harap niya.

“Medyo ‘di ko alam kung paano ko sasagutin ‘yung tanong kasi ‘di rin naman first time kong makakita ng topless, ‘di ba?

“Pero nu’ng mayroon na kaming scenes, nahihiya ako kasi ‘di ako sanay na nakakahawak o nakakakita ng katawan up close.

“So, I guess, I mean, madalas ko naman nakikita si David na nagwo-workout dahil magkatabi lang ‘yung villa namin,” tugon ng Kapuso host-actress.

Dugtong pa niya, “But yeah, nakakailang siya to be honest nang very light. But he’s very professional.”

Samantala, isa pa sa naitanong kay Julie ay kung handa na ba siyang sumabak sa mas daring at mature roles sa mga susunod niyang mga projects sa GMA.

Sabi ng dalaga, “For me kasi, iba ang definition ng mature roles, e. ‘Yung mature roles for me, ‘yung mas may lalim na characters and open naman ako to do it. But, I don’t know kung we’re on the same page when it comes to daring and pa-sexy roles.

“Pero, for me, ‘yun yung definition ng mature role and I’m willing to explore what I can offer and learn. As long as natsa-challenge ako, natututo ako, and ‘yung kakaiba.

“Every role ay kailangan talagang paghandaan. It’s always part of the process.

“Passionate lang talaga ako about everything I do and I make sure I commit to it 100%. I love singing and I also love acting. It makes me feel like a different person whenever I’m given different roles,” pahayag ng singer-actress.

Dugtong pa niya, “When you are passionate about what you do and love what you do, everything just follows.
“Siguro kasi, gusto ko rin mapasaya yung mga manonood at mga tao sa paligid ko. Iba rin ang joy na nabibigay sa akin when I do something for other people and that for me, it’s to keep them entertained,” aniya pa.

Magsisimula na ngayong Lunes, April 26, ang isa na namang pampakilig at pampa-good vibes serye ng GMA, ang “Heartful Café” na siguradong susubaybayan n’yo mula simula hanggang ending.

Read more...