KC ayaw na sa buhay-condo, lilipat sa tunay na bahay: Yup I’m moving!

NAGDESISYON na ang TV host-actress na si KC Concepcion na iwan na ang buhay-condo sa gitna pa rin ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Kinumpirma ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Ayon kay KC, ipagpapalit na niya ang ilang taong paninirahan sa condo para sa isang tunay na “bahay” kung saan maaari niyang gawin ang lahat ng naisin niya.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng dalaga ang kanyang announcement kalakip ang illustration ng isang babae na kumakain ng pizza habang umiinom ng wine.

Aniya sa caption, “This was the moment I decided to move out of my condo and try living in an actual house. Yup, I’m moving!”

Dagdag pa niyang chika, hindi na niya babanggitin ang lugar kung saan siya lilipat para na rin sa kanyang seguridad.

“Please don’t ask me where to for security reasons. All I know is, some good decisions come from the most unexpected (unguarded) moments.

“As for me, my enlightenment came from pizza and a glass of wine,” sabi pa ng aktres at negosyante.

Kung matatandaan, naibalita na noon na matagal nang naninirahan si KC sa kanyang three-bedroom condo unit sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nag-post din siya sa IG ng ilang litrato na kuha sa kanyang condo noong 2019 kung saan ibinandera niya na ang ibinayad niya sa nasabing property ay katas ng kanyang pag-aartista.

“Got this apartment 10 years ago. The fruits of my labor sa pag-aartista. Not a single peso from my parents unang katas ‘to! Hehe! Napakinabangan hanggang ngayon,” pagmamalaki ni KC sa kanyang achievement.

Read more...