Tekla bumagsak ang katawan, mukhang haggard; bumalik nga ba sa pagbibisyo?

KAPANSIN-PANSIN sa mga bagong vlog at video ni Super Tekla sa YouTube ang biglang pagbagsak ng kanyang katawan.

Kaya naman maraming fans ang nagtatanong kung may dinaramdam bang sakit ang Kapuso TV host-comedian o kung may matindi na naman siyang problema sa personal na buhay.

May ilan namang netizens ang diretsahang nagsabi na baka raw bumalik na naman sa pagbibisyo ang komedyante at vlogger dahil nga bukod sa pagpayat ay may pagka-haggard din daw ang itsura ni Tekla.

At para tapusin na ang mga ispekulasyon at haka-haka tungkol sa biglang pagpayat ng Kapuso comedian at host ng Kapuso comedy show na “TBATS”, humarap na si Tekla sa publiko.

Sa pamamagitan ng YouTube channel nila ng kapwa Kapuso comedian na si Donita Nose, nag-live ang DonEkla in Tandem at sinagot nga ni Tekla ang mga issue ngayon sa kanya.

Ayon sa komedyante, ang bigla niyang pagpayat at ang pagiging haggard ay hindi dahil sa pagbibisyo.

Aniya, talagang nagbawas siya ng timbang dahil napansin niyang lumolobo na siya. Nagdesisyon daw siyang mag-diet — ilang araw na raw siyang “one meal a day”.

“Tinitingnan ko rin ‘yung itsura ko kasi required din sa TV, sa amin sa TBATS. Sa TBATS, kapag tinitingnan ‘yung frame mo, hindi na magandang tingnan, so kailangan mong magdiyeta,” paliwanag ni Tekla.

Kasabay nito, nag-sorry din siya sa kanilang YouTube subscribers at mga tagasuporta sa social media. Sabi ni Tekla, mukha raw siyang haggard dahil na rin sa “pagpapabaya” sa sarili.

“Lately kasi pag nagba-vlog tayo, tinatamad akong mag-make-up. Minsan kasi nagkakaroon tayo ng petiks eh. Ako, especially sa akin, medyo may slight tamad factor din ako, eh.

“So kapag tinopak, ‘Sige ‘te, okay na ‘yan. Mema lang. May ma-video lang or may mai-content lang na hindi ko isinaalang-alang kung ano magiging looks ko, kung ano magiging dating sa tao.

“Sorry and I forgot that ‘Ay, performer pala ako.’ Tinitingnan pala ako ng tao so kailangan ‘yung itsura ko presentable, maayos,” esplika pa ng stand-up comedian.

Read more...