Gabbi Garcia nagtayo na rin ng community pantry: Tayu-tayo po ang magtulungan…

NAGTAYO na rin ang Kapuso actress-TV host na si Gabbi Garcia ng usung-uso ngayong community pantry sa kanilang lugar.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng pinaiiral na “bayanihan spirit” ng mga Filipino sa patuloy na banta ng pandemya sa bansa at sa gitna ng muling pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Naisip ni Gabby na mag-participate rin sa pagtatayo ng mga community pantries kung saan nagse-set-up ang mga residente sa kani-kanilang lugar ng mga cart o lamesa at lalagyan nila ng mga food items.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ng Kapuso star ang itsura ng itinayo nilang community pantry sa kanilang lugar na punumpuno ng iba’t ibang klase ng food packs.

Aniya sa caption, “Posting this with nothing but pure and good intentions. this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way.

“Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more!” mensahe ng girlfriend ni Khalil Ramos.

Dugtong pa ni Gabbi sa kanyang caption, “To all the community pantries, SALAMAT SA INYO! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan.”

Katuwang ng dalaga sa relief mission na ito ang kanyang mga magulang at ang mga namamahala sa BF Northwest Homeowners Association, Inc..

Matapos mag-viral ang unang community pantry sa Maginhawa Community Pantry, marami nang nagsunuran sa magandang proyektong ito tulad ng mga  volunteer sa Laguna, Manila, Muntinlupa, Parañaque at Quezon.

Dito rin sumikat ang panawagang, “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan.”

Read more...