‘T.G.I.S.’ star Red Sternberg hindi nagsisi nang iwan ang showbiz; general manager na ng hotel sa US

NATATANDAAN n’yo pa ba ang dating Kapuso young actor at “T.G.I.S.” star na si Red Sternberg?

Matagal na niyang iniwan ang mundo ng showbiz at may sarili nang buhay sa Amerika bilang isang general manager sa isang hotel doon.

Inamin ni Red na hindi rin naging madali para sa kanya ang iwan ang pag-aartista at maghanap ng ibang propesyon pero aniya, kailangan daw niyang gawin ito para na rin sa kanyang kinabukasan.

“After I left showbiz nag-Bangkok muna ako. You know, work and pleasure. When I left showbusiness around 2001, lumipat muna ako ng Cebu, I stayed there for around a year.

“Noong lumipat ako ng Cebu, I considered myself retired. Offers were coming in, nire-reject ko,” ang pahayag ni Red sa online talk show na “Just In.”

Pero bago raw siya umalis sa Pilipinas patungong US, nakagawa pa siya ng isang show sa GMA kung saan nakasama niya ang kaibigan at co-star niya sa “T.G.I.S.” na si Bobby Andrews.

Kuwento pa ni Red, “Ever since I got here in the US I’ve been in the hotel industry. Currently for the past around eight years I’ve been a general manager for hotels. A lot of travelling.”

Ayon sa dating Kapuso star, general manager na siya sa Panama City Beach sa Florida.

Kuwento niya noong nagsisimula pa lang siya sa hotel industry, “I’m just acting as if I know what I’m doing. But I worked my way up. Nag-start ako as a front desk agent. And then after a few months, assistant general manager, and I stayed in that role for quite a while, then nag-general manager ako.”

Diin pa niya, “Once work feels like ‘work,’ then it means it’s time to go. Kasi you’re not enjoying anymore eh, if it feels like work already, then it means it’s time to go. I think that’s one reason why I left show business, it was just time to move on.”

Sinabi rin niya nawala siyang pinagsisisihan na maaga siyang nag-quit sa showbiz dahil napakaganda naman daw ng naging kapalit nito kabilang na riyan ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Huling napanood sa TV si Red nang mag-guest siya sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kasama ang iba pang “T.G.I.S” stars.

Read more...