Maymay umamin na: Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso…
DIRETSAHAN nang sinabi ng Kapamilya young actress na si Maymay Entrata na may taong nagpapaligaya na ngayon sa kanyang puso.
Hindi binanggit ng dalaga kung sino ang tinutukoy niyang lalaki pero hiniling niya sa lahat ng kanyang mga tagasuporta na sana’y respetuhin daw ang kanyang naging desisyon.
Sa panayam ng Mega magazine kay Maymay, nabanggit niyang masaya ngayon ang lagay ng kanyang puso nang tanungin ang estado ng kanyang lovelife.
Pahayag ng dalaga, “Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po ‘yun ng aking mga tagasuporta.”
Iba’t iba ang reaksyon ng mga fans ni Maymay tungkol dito, pero karamihan sa kanila ay nagsabi na ang tinutukoy daw ni Maymay ay ang kanyang ka-loveteam na si si Edward Barber.
Ang hula naman ng ibang netizens ay ibang tao ang pinatutungkulan ni Maymay dahil na rin sa pakiusap nito na irespeto ang kanyang naging desisyon sa kanyang pakikipagrelasyon.
Kung matatandaan, naglabas ng joint statement ang tambalang MayWard tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
“Sa loob po ng tatlong taon na nandito ang Mayward, nakita niyo po at narinig niyo mula mismo sa aming dalawa ang tunay na nararamdaman namin para sa isa’t isa. Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship.
“Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young and there is so much more we still want to achieve in our lives.
“Pareho po namin na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us. Mas kumportable kami makakapagtrabaho. Wala pong pagbabago. Kami pa din ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with than each other,” ayon sa pahayag ng MayWard.
Samantala, sinabi rin ni Maymay na nahanap na niya ngayon ang tunay niyang purpose sa buhay at career, “Yung pakiramdam na tagumpay, hindi lang tagumpay sa mga bagay na meron ako o pangarap na aking natupad kundi tagumpay sa pagtuklas ng purpose ko dito sa industriya.”
Mensahe pa niya, “Araw-araw pinipili kong pasalamatan ang Panginoon dahil habang tumatagal madami akong natutunan at isa na dito is to fully embrace the entertainment world I am in because through this unti-unti kong naintindihan na lahat ng blessings ko ngayon ay blessings din sa karamihan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.