Bakit feeling ni Drew nasayang lang ang perang ibinayad sa pag-aaral niya sa eskwela?
MAS feel ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang homeschooling para sa kanilang mga anak na sina Primo, Leon at Alana.
Ipinaliwanag ng Kapuso couple ang kanilang mga rason kung bakit mas preferred nila ang pag-aaral sa loob ng tahanan kasabay ng pagbabalik-tanaw sa kanilang mga experience sa regular na pagpasok sa eskwela.
Nag-share sina Iya at Drew ng kanilang saloobin hinggil dito sa Skypodcast nina Slater Young at Kryz Uy.
Ayon kay Iya, noon pa niya kino-consider ang homeschooling para sa mga anak nila ni Drew dahil marami rin naman daw itong advantages hindi lang para sa mga bata kundi para na rin sa kanilang mag-asawa.
Kasunod nito nagkuwento naman si Drew ng ilan sa kanyang mga karanasan noong nag-aaral pa, “My view kasi is, I have nothing against the schools that I came from.
“I studied in Xavier, so many good Xavier friends, so many great Xavier memories. I went to La Salle for college, also great memories. But then naisip ko, teka lang, ano nga ba ang natutunan ko?” pahayag ng TV host.
“Great memories with fellow classmates and whatnot but I feel that you don’t need to isolate yourself in school to learn. Parang learning is every day,” sabi pa ng host ng Kapuso travel show na “Biyahe Ni Drew.”
Pagsang-ayon naman ng kanyang asawa, “There are actually more effective ways of learning.”
Dagdag pa ni Drew, parang nagsayang lang daw ng pera ang pamilya nila sa pagpapaaral sa kanya sa school.
“Feeling ko I wasted so much time learning stuff that I am not interested in. I kind of wasted a lot of time, I wasted my folks’ money because of that.
“I just feel that most schools, hindi siya personalized, ‘di ba? Parang one size fits all, aralin ninyo lahat ‘yan. If you fail in one, you’re not that smart, it shouldn’t be the case,” diin ng mister ni Iya.
Dugtong pa ng celebrity dad, “Our main goal is for the kids to learn as soon as possible what they want to do in life, what makes them happy.”
Samantala, ibinahagi naman ni Iya na may fear factor din naman siyang nararamdaman tungkol sa homeschooling.
“One thing that kind of scares me about homeschool, which is why I feel I am more mixed emotions about it, I mean it’s something that I want for my kids, but sometimes I don’t know if I can commit.
“I don’t know if I can commit to being that parent that can sit down ’cause it’s still schooling but at home,” katwiran pa ng segment host ng “24 Oras.”
Ngunit aniya, sakaling mas gusto ng kanilang mga anak ang um-attend sa regular school papayag naman daw siya.
“Should one day Primo decide, ‘Mama I want to go to school.’ Okay then fine, basta what we want to achieve is we want our children to want to learn. Whatever it is that they want to learn; we want them to want to learn,” sabi ni Iya.
Ito naman ang isa pa sa mga paniniwala ni Drew bilang isang tatay, “Everyone is learning naman e. Kahit wala sa school, kahit walang curriculum, kahit walang libro, when you go outside and just meet people from different cultures. Talk to them, go to the farm, you’re constantly learning, getting pieces of information.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.